

ISINALBA ni Karl Anthony Towns ang New York Knicks mula sa tiyak na pagkatalo at ang larong halos nasa kamay na ng Indiana Pacers para sa kanilang tatlong sunod na panalo sa serye ay naunsyami sa Game 3 at nauwi sa 2-1 win-loss na kartada matapos ang 106-100 panalo ng Knicks para sa Eastern Conference Finals ng National Basketball Association (NBA).
Si Towns na tinanghal na best player of the game sa Game 3 ay kumamada ng 24 points at 15 rebounds kung saan pinangunahan niya ang ginawang pagpapak ng topa ng Knicks sa 20-point deficit sa pamamagitan ng 61-42 masaker na kanilang ginawa sa kabuuan ng second half.
Mula sa 55-35 na pagkabaon sa second quarter ay nagawang makabangon unti-unti ng New York at tinapyas ang malaking kalamangan sa third quarter at tuluyang inagaw ang kalamangan sa kalagitnaan ng fourth.
Si Jalen Brunsun ay nakapag-ukit ng 23 points habang si Tyrese Haliburton ay nakapagtala ng 20 points.