
Well, Well, Well… Isang kontrobersyal na personalidad sa likod ng camera ang pinag-uusapan ngayon sa isang private circle ng showbiz insiders. Kilala raw siya noon sa kanyang kababaang-loob at sipag, pero ngayo’y usap-usapan na raw ang kanyang pagiging ‘super ingrata’.
Ayon sa ating source, nagsimula raw ang buhay ni ‘Mister Bayot sa simpleng hanapbuhay — dati rati ay isa lamang siyang ‘service crew’ sa mga liblib na bahay aliwan sa Bulacan. Dati siyang nagseserbisyo sa mga sinehan sa Meycauayan, bitbit ang tissue at alcohol, palangiti sa mga matatandang parokyano. Doon daw siya unang nakilala ng isang well-connected friend, na siyang tumulong sa kanya makapasok sa showbiz bilang writer.
Pero teka, hindi lang pala sa pagsusulat siya pumatok — naka-jackpot rin siya at naging manager ng isang kilalang hunk actor na produkto ng isang sikat na reality search. Sa taglay na diskarte at swerte, unti-unting gumaan ang buhay ni Mister Bayot, hanggang sa umangat na sa industriyang minsan lang niyang pinangarap pasukin.
Ang masaklap? Nang sumikat at magkaroon ng koneksyon sa mga artista at influencer, tila nakalimot sa pinanggalingan si Mister Bayot. Ang taong tumulong sa kanya noon, deadma na raw ngayon. Hindi lang basta deadma — may paandar pa raw si Mister B na ‘mas moneyed’ na siya ngayon kaysa sa kanyang dating kaibigan. O, ‘di ba?
Ayon sa source, “Nabigyan mo na nga ng pagkakataon, nilagpasan ka pa sa yabang. Napaka-ungrateful talaga.”
Ngayon ay kilala na si Mister Bayot sa ilang mga press events at socmed gatherings. Pero ang tanong ng marami… Hanggang kailan tatagal ang career ng isang taong marunong lang umakyat pero di marunong lumingon?
Clue: Siya ang showbiz insider na mas ma-showbiz pa sa mga alaga niya. Minsan nang naging alalay, ngayon ay feeling alagad ng sining.
May idea ka ba kung ZinCha?