

SI Tyrese Haliburton ng Indiana Pacers ay pumukol ng game-winning shot sa nalalabing 0.3 segundo sa fourth quarter na tumabon sa dominasyong ginawa ng Oklahoma City Thunder sa halos buong laro ng Game 1 ng NBA Finals at nagbigay sa yellow boys ng kanilang napakasarap na panalo, 111-110.
Ang OKC na naglaro na taglay ang pagiging espesyalista sa depensa ay nakinabang nang husto matapos maigapos sina Pascal Siakam at Haliburton at animo’y mga pagkit na dinikitan ng super kapit ang tropang dilawan sa loob ng hardcourt upang mangibabaw sa loob ng 47 minuto bago tuluyang lumigwak sa dulo.
Una rito, inukit ng Pacers ang 15-point deficit ng OKC, 94-79 sa kaagahan ng fourth quarter at sinimulang makipagpalitan ng mahihirap na basket sa pagpasok ng huling pitong minuto sa yugto kung saan nagpaalab sila ng 15-4 run.
Naging mas makinang ang naitalang 14 points at 10 rebounds ni Haliburton kumpara sa 38 points na nagawa ng MVP ng liga na si Shai Gilgeous Alexander matapos na maipanalong muli ng kanyang huling tira ang kanyang koponan para maibaon ang higit na liyamadong OKC.
Muling maghaharap ang dalawang koponan sa Lunespara sa inaasahang mas kapana-panabik na Game 2 ng NBA Finals 2025.