

Well, Well, Well… As usual, bonggacious ang eksena sa nagpapatuloy na Hong Kong special episode ng ‘CIA with BA’ dahil hindi lang mga OFW ang naka-relate, kundi buong madlang pipol na may puso para sa mga taong naging pamilya nila — kahit walang dugong nananalaytay.
Sa segment na ‘Tanong ng Pilipino’, isang katanungang may hugot mula sa OFW na si Cristina ang nagpa-init ng diskusyon.
Aniya, “‘Yung isa kong kaibigan, tinawagan ng stepdaughter niya na nasa Pilipinas. Bilang pasasalamat daw sa kanya dahil siya ang nagpalaki dito ay gagawin daw siyang life insurance beneficiary nito. Pwede po ba ‘yon?”
O, ‘di ba? Bonggang tanong ‘yan, mga ateng! Kaya naman agad itong sinagot ng legal hottie na si Atty. Mark Demova: “The answer is yes. Under our Insurance Code, malaya ang isang tao na may insurance policy o ‘yung insured person to designate kung sino ‘yung gusto niyang beneficiary. Hindi required na kamag-anak o blood relative.”
Ganyan nga, mga mars! Hindi kailangan na may dugong magkaugnay para i-claim ang spot sa insurance. Basta’t may care, love, at malasakit, go lang!
Pero syempre, may catch din, mga beshy. Ayon pa kay Atty. Demova, “Meron lang specific circumstances na (ang isang tao ay) hindi mo pwedeng maging beneficiary, katulad halimbawa ng kabit. As a matter of public policy, syempre hindi natin dapat i-encourage ‘yung mga ganon klase ng relasyon.”
Ouch! Shot fired! Para sa mga sidechick, sorry po, hindi kayo kasali sa beneficiary realness.
At habang on fire ang usapan, hindi nagpahuli ang King of Talk na si Boy Abunda, na biglang bumira ng tanong na may kasamang kilig at kulit.
“Pero pwede bang gawing beneficiary ang alagang aso?” tanong niya.
Walang patumpik-tumpik na sumagot si Atty. Matt Cesa: “I think hindi pa ganon ka-advanced ‘yung laws natin. I’ve heard it sa U.S. although sa kanila kasi, liberal talaga sa laws nila. They treat their pets as a legal personality.”
Dagdag pa ni Atty. Demova, “Dalawa lang ang personalidad sa laws natin—natural persons, tayong mga tao, and juridical persons—mga korporasyon.”
Ayan, mga fersons, malinaw na sa batas natin, hindi pa pwedeng isama si Pochi o si Muning sa insurance — kahit siya pa ang OG cuddle partner mo sa malamig na gabi.
Sa kabuuan, ang episode na ito ay isa na namang paalala na may karapatan tayong pumili ng taong nais nating bigyang halaga — kahit hindi natin kaanu-ano.
Para sa maraming OFW, ang tanong ni Cristina ay may malalim na saysay. Kasi nga naman, hindi laging dugo ang batayan ng pamilya. Minsan, ang tunay na pamilya ay ‘yung nariyan para sa’yo — rain or shine, kahit sa gitna ng ulan ng pangungulila sa abroad.
Sa pamumuno nina Senator Alan Peter Cayetano at King of Talk na si Boy Abunda, tuluy-tuloy ang adbokasiya ng programang ‘CIA with BA — isang tagapagtaguyod ng karunungan, kabutihang-loob, at kalat na katotohanan, inspired ng legacy ng yumaong Senador Rene Cayetano.
Mapapanood ang ‘CIA with BA’ tuwing Linggo ng gabi, 11:00 p.m. sa GMA-7, at may replay tuwing Sabado, 10:30 p.m. sa GTV.
Kaya kung gusto mong magka-closure sa mga tanong mo tungkol sa batas, relasyon, o kung sino ang pwedeng makinabang sa insurance mo — i-push mo na ‘yan, at tutok sa ‘CIA with BA!’
Tunay ngang sa programang ito, walang tanong ang mahina, at walang kwento ang hindi karapat-dapat marinig.
‘Yun na!
