
LUMOBO na sa bilang na mahigit 112 milyon ang mga Filipino batay sa kabuuang populasyon nito noong Hulyo ng nakalipas na taon.
Ang aktuwal na bilang ng kabuuan na populasyon ng mga pinoy na patuloy pang nadaragdagan ay umabot na sa 112,729, 484 at ito ay batay sa suma noon pang Hulyo 1, 2024 base na rin sa Proclamation 973 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang nabanggit na bilang ay higit na mas mataas ng 3.69 milyon na naitala noong Mayo 1, 2020 ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ito ay maituturing na opisyal at pinal na kabuuang bilang ng populasyon ng mga pinoy dahil batay sa Batas Pambansa 72 ito ay nakabatay sa naging proklamasyon mismo ng pangulo ng bansa.
Base na rin sa naging pagsasaliksik ng United Nations Population Fund (UNFPA), sa kasalukuyang taon ay may 1.9 porsyentong fertility rate sa bawat babaeng filipino.
Dahil dito ay hindi imposibleng patuloy pang madaragdagan ang kasalukuyang populasyon ng Pilipinas sa susunod na mga taon.
Batay naman sa pinakahuling report ng Worldometer na ibinatay sa data ng United Nations as of July 17, 2025 ay umabot na sa bilang na 116, 824, 335 ang kabuuang bilang ng mga filipino sa kalagitnaan pa lamang ng taong kasalukuyan.