

Bata pa lang ang magaling at talentadong singer na si Isha Ponti ay hilig na niya ang pag-awit.
“Ever since bata pa ako, passion ko na ang singing and songwriting. Feeling ko, ako lang kasi sa family namin ‘yung sobrang mahilig kumanta,” aniya. “Pero in fairness, magaling din si Daddy sa pag-compose ng lyrics… pang-asar nga lang minsan! Hahaha,”pabiro niyang pahabol.
Sa murang edad ay kinakitaan na rin siya ng potensyal sa pagbirit.
“Seven years old po ako nun. Pinakanta ako ng teacher ko sa isang school event, tapos kahit sa mga modeling shows ko noon, pinapakanta rin ako. Doon po talaga nagsimula lahat,” pagbabalik-tanaw niya. “Tapos nung nag-13 ako, si Mama and BFF ko sa voice lesson ang nagsabing itry ko rin sumali sa competitions outside school. Eventually, I started winning sa both local and international contests,”dugtong niya.
Si Isha ay nagwagi na rin sa local at international singing competitions
Tinanghal siyang kampeon sa Asia’s Best Singing Competition Season 2 na ginanap sa Shangrila Hotel Makati at
Euro Talent Festival Star Rain Cup na idinaos sa Prague, Czech Republic.
Pagkatapos noon ay nakapag-release na siya ng kanyang first single na may titulong “Proud To Say” na handog niya sa lahat ng mga tatay.
Kada taon ay kasama rin siya sa concert series na iprinuprodyus ng EchoJham Productions na tampok ang OPM icons tulad nina Rey Valera, Marco Sison, Dulce, Gerald Santos, David Pomeranz, at iba pa kung saan siya ang madalas na nag fro-front act.
Flattered naman siya na sa edad na 20 ay nakatrabaho na niya ang mga tinitingalang OPM icons sa bansa.
“Super surreal, sobrang blessed, at very honored po talaga,” paglalarawan niya.
“Usually sila ‘yung hurado sa competitions, tapos ngayon, ka-stage ko na? Iba! You really have to step up kasi mataas ang expectations and hindi basta-basta ang ganitong opportunity,” dugtong niya.
Proud din siya na maka-collaborate ang mga tinitingalang mang-aawit na mga ito.
” Some of them even collaborate with me in songwriting and production, like Sir Rey Valera. Nakaka-inspire talaga at ang dami mong matututunan kapag kasama mo sila sa trabaho.
Lalo na’t old soul sila… eh ako Gen Z na medyo may kulit minsan, kaya ako na ‘yung nagiging icebreaker! Hahaha, ” pagbibida niya.
Hindi rin niya ikinaila na idolo niya ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.
” Ultimate idol ko po siya pagdating sa performance. Pangarap ko rin po na maka-collab siya,” bulalas niya.
Bukod kay Sarah G, bet din daw niyang
makatrabaho sina Maki, Janine Teñoso, at Zephanie Dimaranan, SB19, at maging ang BINI.
“I’m really open to collab with anyone na passionate din sa music. It’s also my advocacy to serve and connect with the youth through music and creativity. Gusto ko rin makatulong sa OPM artists in my own little way,” pagtatapos niya.
Si Isha ay mapapanood sa” Seasons of OPM” concert tampok ang “Balladeer for All Seasons” na si Marco Sison. Special guests naman sina Vice Ganda, Martin Nievera, Rey Valera at Nonoy Zuniga.
Maliban kay Isha, special performers din sa concert event sina Andrea Gutierrez at David Young.
Aariba na sa Hulyo 25 sa ganap na alas-8 ng gabi sa The Theater at Solaire, ito ay mula sa musical direction ni Louie Ocampo at sa pangkalahatang pamamahala ni Calvin Niera.
Para sa karagdagang detalye sa tickets, bisitahin ang Ticketworld.Com.Ph.
