


Masasabi mo raw ang lalim o range ng isang aktor sa paraan kung paano niya binigyang buhay ang kanyang karakter sa anumang medium, mapa-pelikula man o teatro.
Siyempre, malaking bagay ang paggabay ng isang director na siyang pinaghugutan ng kuwento ng “Walong Libong Piso” tungkol sa sex symbol na sumikat noong dekada 2000 na si Dante Balboa.
Pero ayon mismo kay Direk Dante, binigyan niya ng kalayaan ang kanyang mga aktor para i-interpret ang kanilang roles base sa perception nila ng karakter sa script.
Dito na pumapasok ang pagbuo ng character sketch ng isang aktor sa pagbibigay buhay niya sa kanyang role.
Sa aspetong ito, maipagkakapuri mo si Drei Arias na nabigyan ng tamang timpla ang karakter ng isang male sex symbol na palaisipan kung biktima ba o pain sa laro sa mundo ng showbiz.
Malaking tulong na graduate rin siya ng Theater Arts at nakalabas na sa stage plays tulad ng “Handog: The Musical” at “Kapeng Barako”.
Isa ring sexy actor si Drei na nakilala hindi lang sa BL projects kundi sa erotic movies tulad ng “Baka Sakali”, “Bingwit” at “Don Filippo”.
Makikita mo rin ang kanyang pagiging matalinong aktor na pamilyar sa tema ng kuwentong tinatalakay lalo pa’t hindi naman niya ikinaila na alam niya ang galawan sa showbiz.
Sa pagpapakatotoo niya, inamin din niya na nakatanggap na rin siya ng indecent proposals sa mga nagpapantasya sa kanya tulad ng karakter ni Dante na kanyang ginagampanan sa play.
Sa kaso ni Drei, malakas ang rehistro niya sa entablado.
Ipinakita niya ang pagiging totoong tao ng kanyang karakter: isang nilalang na naghahangad ng katanyagan, kapangyarihan at kayamanan.
Isang taong marunong maglaro, lumandi at manukso at sa kanilang banda ay marunong ding magalit kapag naipagkanulo ang pagtitiwala.
Isang matikas na sex symbol na tulad ninuman ay yumuyukod din sa sariling kahinaan.
Ang kanyang reaksyon sa huling bahagi ng play kung saan nabudol siya ng isang showbiz reporter sa kanilang dirty talk speaks volumes sa kung ano pa ang kaya niyang ibigay bilang aktor.
Sa stage play na “Walong Libong Piso”, isang malaking rebelasyon si Drei.
Promising siya dahil kargada siya ng talento.
More than a sex symbol, Drei deserves to be seen more often and given the opportunity to do serious leading roles.
Ang “Walong Libong Piso” ang isang psychological one-character play tungkol sa pag-ibig, kamunduhan at kapangyarihan.
Kuwento ito ng isang newbie sexy film actor na nabudol ng isang showbiz reporter na nagbantang ikalat ang iskandalo ng kanilang dirty talk.
Mas personal kesa sa anumang episode ng Dick Talk o Kuwentong Titi, isa itong cautionary tale tungkol sa pagbibigay ng tiwala ng isang tao.
Tumatalakay din ito sa mga napapanahong isyu tulad ng hyper sexuality disorder at mental health.
Mula sa panulat at direksyon ng “Educated Hunk” at dating male sex symbol na si Dante Balboa, ang “Walong Libong Piso” ay iprinudyus ni Engr. Benjamin Austria ng BENTRIA Productions with Dennis Evangelista as production manager.
Ka-alternate ni Drei bilang Dante sina Paolo Gumabao, Jhon Mark Marcia at Juan Calma.
Kasama rin sa supporting cast sina Butch Francisco, Rodel Fernando, Edward Solon, Johnny Maglinao, Mianne Agualada at Minstrell Agualada.
Ang kontrobersyal na dula ay mapapanood sa Teatrino Promenade sa San Juan sa, Agosto 8 at 9 (5:30 pm at 8 pm) at Agosto 15 at 16 (5:30 pm at 8pm)
