

Itinuturong ni Heaven Peralejo ang sarili bilang risktaker.
Katunayan, sa lahat daw ng desisyon niya sa buhay maging sa karera at sa lovelife ay wala siyang pinagsisisihan.
“Wala eh. Wala talaga. Naniniwala kasi ako that everything happens for a reason,” pakli niya.
Hirit pa niya, iyong career move raw niya at paglipat ng management ay isa sa pinakamagandang desisyon na nagawa niya sa buhay.
True enough mula nga naman nang maging Viva artist siya ay bumongga ang kanyang career.
Naging daan din ito para mabigyan siya ng important lead roles at mapansin bilang magaling na aktres.
“Itong paglipat ko sa Viva, this is the best risk I have ever done,” sey niya.
Bilang latest brand ambassador naman ng Playtime, itinuturing din daw niya ang sariling masuwerte.
“Partnering up with Playtime is the best risk I have ever taken,”hirit niya.
” So, I believe, wala akong regrets sa buhay, “dugtong niya.
Dagdag pa niya, marami rin daw siyang natutunang leksyon sa mga itinaya niyang desisyon sa buhay.
“What matters is we learn from the risks and decisions we have taken and made,” bulalas niya.
Sobra namang flattered si Heaven dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng kanyang bagong pamilya.
“Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa Playtime for welcoming me into this exciting journey. Sobrang honored po ako to be a part of this family kasama si Bossing Vic Sotto at lalo na to represent a brand that’s not just about game but also aimed at revolutionizing online entertainment, “paliwanag niya.
” Sana mabigyan kami ng opportunity na ikuwento sa lahat na ang gaming and online entertainment ay hindi lang po tungkol sa laro kundi po tungkol sa fun, bonding at responsableng enjoyment,”pahabol niya.
Bet din daw niyang makatrabaho si Bossing Vic Sotto.
” Bata pa lang ako, Bossing Vic na siya. So, it’s really a dream of mine to work with him. And now, since we’re both part of Playtime family , everything is possible, “sey niya.
Natutuwa rin daw siya na maging bahagi ng isang gaming platform na may adbokasya.
” It champions entertainment at its core. I love that it encourages people to enjoy but at the same time with responsibility and heart. So that fun doesn’t have to be reckless,” esplika niya.
Ayon naman kay Krizia Cortez, Director of Public Relations ng Playtime, nakita nila kay Heaven ang mga katangian ng perfect ambassador ng nasabing innovative online entertainment and gaming platform.
“Heaven represents the kind of energy we want to champion— authentic, driven, and full of heart,” aniya.
“She embodies our platform’s mix of fun, fire, and Filipina empowerment. We couldn’t have chosen a better face for Playtime,” dugtong niya.
