
BILANG pakikiisa sa pagdiriwang ng buong bansa sa araw ng kapistahan ng La Inmaculada Concepcion ay nagbigay ng makahulugang mensahe si Pangulong Ferdinand ” Bongbong ” Marcos Jr. kaugnay dito.
” I join the the Filipino people in the observance of the Solemnity of the Imaaculate Conception of the Blessed Virgin Mary.On this sacred day we turn our gaze to mary, whose life began entirely in God’s favor, ” bungad ng pangulo sa kanyang mensahe.” The Immaculate Conception reminds us that the way we begins matter.”
Ayon sa mensahe ng pangulo, kung ano ang ating intensyon o nais na gawin sa ating buhay ay iyon din ang anyo ng magiging bunga nito.
Sa pagkakataong ito ay hinikayat niya rin ang mga Filipino na manatiling maging makatotohanan, mapagkumbaba at mapagparaya upang tayo’y makabuo ng isang maayos at mapayapang bansa.
” Our intentions, shape our outcomes, and the spirit in which we start a mission influences the fruit it bears.If we sow pride, we reap division. If we sow deceit, we reap distrust.But if we begin with truth, humility and compassion for the least among us we can build a more just and peaceful Bagong Pilipinas, ” mensahe pa niya.
Hinikayat din ng pangulo ang mga mamamayan na humugot ng lakas mula sa mahal na birhen at gawin siyang halimbawa tungo sa patuloy na paglikha ng isang bansa at mamamayang may dignidad na maipagmamalaki ng bawat Filipino
Ang kapistahan ng La Inmaculada Concepcion ay ipinagdiriwang tuwing ika-8 ng Disyembre at ideneklara bilang special non-working holiday sa buong bansa.
