
KADALASAN, kapag nagtatanim ka ng kawalanghiyaan sa iyong kapwa…tatlong beses o higit pa ng ginawa mo ang babalik at tatalbog sa iyo.
Ganyan ang sinapit ng mga opisyales at mga judges ng International Criminal Court (ICC) na kasabwat sa naganap na kidnapping at lumilitis ngayon kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
Si Tatay Digong na ang pagmamalasakit sa mga mamamayang pilipino at sa kanyang bansa ay higit pa sa kanyang sarili.
Ang kaisa-isang pangulo na nagparamdam ng kakaibang pagmamahal sa mga OFWs, sa mga estudyante, sa mga manggagawang pinoy dito sa ating bansa, at sa lahat ng mga pilipinong iniligtas niya ang buhay noong panahon ng pandemya
Mga paglilingkod na ginawa niya sa loob ng anim na taon niyang panunungkulan kung kailan hindi mabibilang ang mga mabubuting nagawa para sa ating bayan na malayung malayo sa kasalukuyang pamahalaan.
Ang matanda sa halip na bigyan ng pagmamahal, respeto ng ating pangulo dahil sa mga naging ganap niya sa nakalipas na mga araw niya bilang mahusay na lingkod bayan at pasalamatan sa ginawa nitong pagpapalibing sa kanilang ama na si dating pangulong Marcos ay hinayaan lamang niyang maibyahe patungong The Hague Netherlands at ipiit doon sa detenction cell ng ICC.
Ngayon ay nahaharap ang gobyerno sa matinding krisis bunga ng nabulgar na mga korapsyon na ang mga itinuturong sangkot ay mga matataas na opisyal ng pamahalaan, mga pulitiko at mga empleyado ng gobyerno na sa halip na maglingkod ay ginagawang gatasan ang pondo ng ating bayan.
Dahilan para tayo ay malubog sa baha at sa matinding kahirapan bunga ng mataas na bilihin at pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.
And speaking of ICC, ayan…bumagsak na sa ulo nila ang parusa ng langit.
At gaya ng kasabihang “Kung ano ang itinanim, yan din ang aanihin”…mas matindi ngayon ang inabot nilang problema kumpara sa ginawa nilang pagpaparusa sa isang matandang pangulo na wala namang naging kasalanan sa taumbayan.
Iyak to death ang 8 judges ng ICC kabilang na si Judge Luz Carranza matapos na masentensiyahan siya kasama ang iba pang mga judge at chief prosecutor ng pagkabilanggo ng 3 hanggang 15 taon bilang ganti ni Russian President Vladimir Putin sa ginawa noon ni ICC prosecutor Khamir Khan matapos na mag-isyu sila ng warrant of arrest noon kay Putin.
Sinampahan noon ng kaso ni Khan si Putin dahil sa diumano’y ginawa nitong pagde-deport sa mga bata mula sa Ukraine.
Dahil diyan, si Khan ay hinatulan ng korte ng Moscow City court na mabilanggo ng 15 taon dahil sa labag sa batas na prosecution sa mga Russian citizens.
Bukod pa dito, si Khan ay nabigyan din ng sanction ng United States dahil sa ginawa nitong pakikialam at pag-iimbestiga sa mga opisyales ng Israel at Amerika.
Bukod pa diyan, si Khan ay suspendido ngayon sa kanyang tungkulin bilang prosecutor ng ICC dahil imbestigasyon na isinasagawa ng interpol laban sa kanya dahil sa sexual misconduct na mga bintang.
Ang siyam ay kasama na ngayon sa international wanted list at pansamantalang mababangkarote dahil naka-freeze na rin ang kanilang mga ari-arian kasama na diyan ang pagkaalis ng access sa kanilang mga bank accounts, ATM card at iba pang online transactions na may kinalaman sa kanilang pananalapi.
Si Judge Carranza ay halos maiyak na sa kanyang interview dahil hindi lamang umano ang kanilang mga ATM cards, bank accounts at visa ang hindi nila magalaw kundi pati na rin ang mga accounts ng kanilang buong pamilya.
Sinabi pa niya na maging visa ng kanyang anak ay pinawalang bisa at patin na ang credit cards at ATM cards at bank account nito.
Hindi umano sila makagalaw at kahit pambyad ng mga gastusin niya sa bahay ay hindi niya mabayaran dahil putol na din ang transaksyon niya sa Western Union.
Ayan…nagantihan kayo ng langit!
Tama lang sa inyo yan para maramdaman ninyo mismo kung ano ang nararamdaman ng mga taong tinatarantado ninyo.
Sabi nga…WAG KANG HUMATOL NANG HINDI KA MAHATULAN…yan ang sabi ni Eddie Garcia sa pelikulang Kapag Puno na Salop…hahahaha.
Dahil wala nang pera ang ICC ay tiyak na mawawala na rin sila ng kakayahan para maglitis ng sinoman.
Kaya si Tatay Digong ay puwede na mapauwi at baka wala na sila maipakain doon at wala rin maibigay na gamot.
At baka makalabas na rin yan dun sa kulungan kasi wala na sila pambayad sa bantay.
Tsk tsk magaling talaga ang diyos sa langit…dito sa Pinas, unti-unti na ring nahuhubaran ng maskara kung sino talaga ang mga tunay na walanghiya.
Parang pelikula lang ‘yan…una ay ang bida muna ang napagbibintangan pero pagdating sa huli ay sila FATHER pala ang tunay na kawatan?
Hmmmnnn teka sino ba’ng father yun?
