
NAGLATAG ng pambihirang depensa ang Gilas Pilipinas sa ikalawa at ikatlong yugto ng kanilang pakikipagtuos sa pambansang koponan ng Indonesia sa kanilang semifinals game at natakasan ng tropa ni coach Norman Black ang posibleng pagkatalo sa nalalabing segundo sa fourth quarter at naiukit ang panalo, 71-68 upang makuha ang unang bangkuan sa finals ng men’s basketball ng 33rd Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand.
Ang Indonesia na unang nagpamalas ng epektibo at mabilis na opensa sa first quarter kung saan ay agad na nakapagtala ng 12 puntos na abante ay biglang naparalisa ang opensa sa kabuuan ng second at third quarter at hanggang sa unang apat na minuto ng fourth quarter kung saan nagawa pang makalamang ng 16 puntos bago nagkulapso sa nalalabing 5 minuto ng laro at muntik pang masilat sa huling 1 minuto kung saan nagawa pang makadikit ng mga indons sa dalawang puntos na agwat, 70-68 bago tuluyang ibinaon sa 71-68 sa dulo ng bakbakan.
Makakaharap ng Gilas Pilipinas para sa gold medal match ang alinman sa koponan ng Thailand at Malaysia na maglalaro sa isa pang semifinal round.
Samantala, matagumpay namang dinaig ng Gilas Pilipinas women’s basketball team ang koponan ng Indonesia sa kanilang semifinals match kung saan naitala nila ang 66-55 na panalo upang makuha ang unang slot para sa gold medal match kontra sa magwawagi sa pagitan ng Malaysia at Thailand ngayong gabi.
.
