
Still showing in almost 100 cinemas nationwide, now on its 3rd blockbuster week! NA-BREAK na ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang P100 million mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival 2025.
Nagtala na ito ng P110 million sa talkilya simula nang magbukas ito sa mga sinehan noong December 25. Ito ang 2nd topgrosser sa 8 pelikulang kalahok sa MMFF. Ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ay ang official entry ng Regal Entertainment, Inc. Consistent ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins sa posisyon nito sa box office simula noong opening ng festival noong Pasko.
Isa na ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins sa biggest moneymaker sa hanay ng Pinoy horror movies na ipinalabas ng mga nagdaang taon. Ito na din ang may hawak ng record bilang biggest hit sa lahat ng Shake, Rattle & Roll franchise.
Taos-puso ang pasasalamat ng pamunuan ng Regal Entertainment at produksyon ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins sa lahat ng tumangkilik at patuloy na tumatangkilik sa pelikula. Mga fans, pamilya, at kaibigan ng cast na hindi nagkait ng suporta sa pelikula. At sa pamilyang Pilipino na naging malaking bahagi ng tagumpay ng pelikula. Naging word-of-mouth din ang production excellence ng pelikula. At ang mahusay na pagganap ng buong cast. Matinong direksyon at script. Maihanay na ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins sa listahan ng mga de-kalibreng horror movies sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.
Patuloy na gagawa ang produksyon ng Regal Entertainment ng mga de kalibreng obra para sa mga Pilipino na patuloy na tumatangkilik sa kanilang mga pelikula.

