


WAGI ang Ukrainian Top seed na si Elina Svitolina sa kanilang championship match ng seventh seed na si Wang Xinyu ng China at pinayukod ang huli sa straight sets 6-3 76 sa loob ng isang oras at 43 minutong laro para mahamig ang kanyang ika-19 na titulo sa 2026 ASB Classic women’s tournament sa Auckland New Zealand.
Bagama’t pumagitna sa Manuka Doctor court si Svitolina bilang Top seed at paborito na makapag-uwi ng korona sa torneo matapos na maipanalo niya ang 18 sa 22 WTA Tour finals na kanyang nilaro ay hindi rin naging magaan para sa kanya ang daan upang makamit ang titulo.
Bago niya nakaharap sa finals ang higit na mas bata na si Wang ay naging masikip ang kanyang huling tatlong laro kontra Top 30 player Katie Boulter sa second round,Sontay Kartal sa kanilang quarterfinal match at Iva Jovic sa semis kung saan naging mahirap para sa kanya ang pagkuha ng panalo.
‘It definitely feels amazing to win another title, especially after a not very pleasant end of the year for me,’ masayang pahayag ni Svitolina sa interview. ‘But that break really helped me to regroup and come back with a new energy and I’m very happy that I got the title here.’
“This one was very special because, obviously, my husband won here last year and this year he told me if you don’t win this year I don’t know what to tell you anymore.”
Dahil sa panalong ito ni Svitolina ay bahagya pa siyang umangat sa No. 12 sa PIF WTA Rankings at tuluy-tuloy para sa kanyang Top 10 return.
Samantala, ito ang ikalawang beses na nakaharap niya at tinalo ang 24-anyos na chinese player na si Wang kung saan una silang nagkalaban sa Wimbledon noong taong 2024.
“I want to say thank you to my team.” “I’ve had some injuries in the past year and sometimes the most important thing is the people around here. I’m very happy to start my 2026 like this,” wika pa ni Svitolina.
