


May soft spot sa talentadong singer na si na si Debbie Lopez ang Visayan songs.
Katunayan , ang Cebuana song niya na “Ang Higugmaon Ka,”(Mamahalin Ka) na isang orihinal na komposisyon ay sikat sa Kabisayaan.
“Cebuana po kasi ako kaya iyon ang naging debut ko. Siya po ang love anthem ko para sa mga kababayan ko,”pakli niya.
All set na naman for release ang kanyang bagong original song next month in time for Valentine’s.
Ayon kay Debby, nalulungkot siya sa pagpanaw ng OPM Icon at Asia’s Queen of Visayan Songs na si Pilita Corrales na isa sa kanyang iniidolo.
“Siyempre, nalulungkot po. Sila po ni Ate Guy ay icons na ng OPM.Pinangarap ko rin po kasi na makatrabaho sila,” aniya.
Sa ngayon, mas focused si Debbie sa acoustic at alternative songs.
“Iyon po kasi ang gusto ko, iyong may appeal sa millennials,” hirit niya.
In the talks na rin sila ng kilalang musical composer na si Mon del Rosario para sa bago niyang awitin.
Tungkol sa mga plano niya, bet daw niyang magkaroon ng charity concert.
Gusto rin daw niyang maka-collab si Ice Seguerra.
Kung duet naman ay type raw niyang maka-duet si Michael Pangilinan na bet din niya ang hugot songs.
Dagdag pa niya, balak na rin daw niyang pasukin ang pag-aartista.
Ito raw ang dahilan kaya nag-enroll siya sa acting workshop ni Ogie Diaz.
Pagbabahagi pa niya, posible raw na ang first acting job ay sa isang sitcom na pagbibidahan ni John Estrada.
Kung bibigyan daw naman siya ng ka-loveteam, type raw niyang maipareha sa hunk actor na si Joseph Marco.
Sobrang bilib din daw siya sa talent at simplicity ni Belle Mariano na gusto rin niyang maka-collab.
Sa kasalukuyan ay isa ring radio host si Debbie sa Radyo Aguila.

