

NAPATALSIK sa kompetisyon ang pinay tennis star na si Alexandra ” Alex ” matapos na mabigo sa kanyang debut game sa maaksyong three-set round 1 match kontra Alycia Parks ng United States, 0-6, 6-3, 6-2 sa 2026 Australian Open sa Melbourne, Australia.
Sa kabila ng nakakagulat na 6-0 victory sa first set ng World no. 49 na si Eala kung saan nagaw3a niyang mapigilan ang bawat pagtatangka ni Parks para pumuntos, agad namang nakabalik ang amerikana sa second set kung saan nagtala siya ng maagang kalamangan, 3-0 at nalimitahan lamang sa tatlong puntos ang 20-anyos na filipina upang maitabla ang laro at dalhin sa final set ang sagupaan.
Sa set 3 ay higit na mabangis na Parks na ang nakasagupa ni Eala at ang nabuo nitong kumpiyansa sa second set ay malinaw na naging baon niya sa final set upang durugin ang higit na paborito na si Eala.
“It was very difficult,” pahayag ni Parks sa interview. “I was expecting it, but I (also) wasn’t. She definitely has a good crowd. I just kept telling myself to stay in the zone.”
Bagama’t hindi naging maganda ang resulta ng kanyang pagsabak sa Melbourne, pinasalamatan naman ni Eala ang mga nanood at sumuporta sa kanya sa laro lalo na ang mga pilipino na dumagsa upang masaksihan ang kanyang laro at sinabi nito na sana’y manatili pa rin ang mainit na suporta sa kanya manalo man o matalo.
“It was so heart-warming,” wika naman ni Eala. “That’s one of the things that makes a loss like today a little bit harder is I know a lot of people were rooting for me. Then again Alycia played really well. And you know I just hope that the support continues with the losses along with the wins.”
