

KAHIT hindi nagkatuluyan noon sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez ay hindi naman sila nagkaroon ng mga pagbubulgar o siraan sa isa’t-isa pagkatapos nilang maghiwalay. Kasunod noon ay ang mga taon na bilang delicadeza ay nagkakailangan at hindi muna nagkasama sa anumang proyekto.
Naging controversial noon ang naging relasyon nina Claudine at Mark, nasa kainitan iyon ng kanilang kasikatan sa showbiz. Panahon iyon ng grupong Guwapings nina Fernandez, Eric Fructouso at Jomari Yllana. Habang nagbibida na si Claudine sa teleserye sa ABS-CBN.
May tampuhan at mga hinanakitan sa hiwalayan nina Claudine at Mark. Pero dahil bagay silang magkapareha sa pelikula ay pinlano silang pagtambalin na umokey naman silang pareho sa tamang project. Sa katunayan, magkasama sila ngayon sa teleseryeng “Totoy Bato” na pinagbidahan ni Kiko Estrada sa TV-5.
Nitong nagdaang birthday celebration ni Mark Anthony ay napakaganda ng naging mensahe ni Claudine para sa dating nakarelasyon, pagpapatunay ng napakaganda nilang pagtrato sa isa’t-isa ngayon.
“Belated happy birthday to my first love, my first everything, especially my first heart break. I said this before and I say it again. If I were to live my life all over again, I’d still choose you to be my first. I’m so proud of the Man you have become. I never thought I’d ever be friends with my EX but Mark definitely is the exception. A true gentleman with one of the kindest soul I have ever met. Happy birthday,” pagbati mula sa mahusay na aktres.


RUFFA GUTIERREZ, SOBRANG APEKTADO KAPAG MAYROONG PROBLEMA ANG PAMILYA
MASAYAHING tao si Ruffa Gutierrez. Nakakahawa sa ibang tao ang katangian niyang iyon na naging tatak na ng kanyang personality mula nung bagets pa lang siya, hanggang ngayong mommy na siya ng dalawa niyang anak na sina Lorin at Venice Gutierrez Bektaz.
Napaka-strong ng personality ni Ruffa, at marami ang humahanga sa showbiz dahil sa katangian niyang iyon. Nakikita iyon sa kanyang pagiging responsaleng anak nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez kapag mayroong problema sa kanilang pamilya.
Nasa ibang bansa ngayon ang beteranong aktor na itinuturing na isa sa naging pinakaguwapong aktor ng kanyang henerasyon. Nagpapagamot siya dahil sa iniindang Karamdaman.
Kuwento ni Ruffa: “Day 8 in Singapore, and we have good news! Everything involving Dad’s spine infection has greatly improved, according to Dr. Prem Pillay of the Neuro Spine & Pain Center at Mount Elizabeth Hospital. Dad’s nerves are no longer as compressed, kumakain na ulit si Daddy, and most importantly, we are hopeful that he will be able to walk again soon.”
Napakabait ni Mr. Eddie Gutierrez, kaya maraming kakilala niya sa loob at labas ng showbiz ang nagdarasal para sa kanyang paggaling, nang sa gayon ay makabalik na ulit siya sa pag-arte sa mga teleserye at pelikula.

