

PORMAL na nakapasok sa finals ng WTA125 Philippine Women’s Open ang Croatian silver medalist at fan favorite na si Donna Vekic matapos na talunin sa straight sets ang Russian na si Tatiana Prozorova, 6-2, 6-4 ngayong Biyernes ng hapon sa Rizal Memorial Tennis Center.
Sa unang set pa lamang ay ipinaramdam na ni Vekic ang kanyang bangis at determinasyon para maunahan ang kanyang katunggali kung saan nagawa niyang malimitahan sa 1 point si Prozorova sa unang mga minuto ng laro, 5-1 bago isinara ang unang yugto sa apat na puntos na agwat, 6-2.
Kung ang unang set ay naging all Vekic ang laban, sa second set ay bahagyang pumalag ang Russian player at nagawang makipaghatawan ng todo sa Croatian bago tuluyang bumigay sa huli, 6-4.
Bago ito, unang pinabagsak ng fourth seeded na si Vekic si Kyoka Okamura, 6-2, 6-2 bago walisin ang Russian na si Mariia Tkacheva, 6-1, 6-2 at Zhu Lin ng China, 6-4, 6-2, noong Huwebes.
Sinuman ang magwagi sa last semis match ng torneo sa pagitan nina Camila Osorio ng Colombia at Solana Sierra ng Argentina.
