
TATLO…hindi isa, hindi dalawa…TATLO!!!
Tatlong impeachment case ang isinampa sa Kamara laban sa kasalukuyang vice president ng ating bansa.
At inaasahan na ‘yan hindi lamang ng kampo ni VP Sara kundi maging ng mga mamamayang pilipino.
Dahil hangga’t nariyan siya at nakatayo…nariyan siya at nakikita…nariyan siya at patuloy na tumataas ang rating kahit pa hindi na halos makadala sa dami ng gustong ipatong at idagan sa kanya…kahit nga wala naman siyang ginagawa kundi ang gawin ang kanyang tungkulin sa abot ng kakarampot na pondong naibibigay sa kanyang tanggapan…at kahit hindi niya pinapansin at ginagantihan ang mga kabi-kabilang banat sa kanya at sa kanyang pamilya…hindi siya titigilan ng mga gustong gumiba at magpabagsak sa kanya.
Hmmmnnn…siguro kung ito ay panahon noong hindi pa gaano uso ang facebook, youtube, instagram at iba pang mga social media platforms…baka nagtagumpay na ang kanyang mga katunggali.
Wala kasing magtatanggol sa kanya at magpapaliwanag kung ano ang side niya sa mga issues.
Walang magsasabing hindi totoo ‘yan…at ganito po ‘yan.
Walang magsasalita at magsasabing gawa-gawa n’yo lang yan!
Ilusyon at panaginip n’yo lang ‘yan!
At kahit ano’ng gawin ninyo ay hindi kami naniniwala diyan…kasi hindi naman ‘yan ang totoo.
Tsk tsk tsk hayyys…ilan taon na nga bang pinalalaglag ang babaeng ‘yan?
At gaano karami ang nagtutulung-tulong para siya pabagsakin?
At gaano karami nang pera ang sinasabing naubos…inubos para siya ay maibagsak at mawala bilang pinakamalakas na kandidato sa 2028 presidential elections?
Sabi nga ng kanyang mga kaalyado, group effort ang ginawa at kasalukuyang ginagawa ng mga ayaw na magwagi si VP Sara sa susunod na eleksyong pampanguluhan sa 2028.
Sad to say…parang kahit ano namang gawin at kahit sino ang tumira ay parang di naman natitinag…hindi naman bumabagsak.
Paano kung makalusot siya sa tatlong impeachment na ‘yan?
Ano ang susunod pa nilang gagawin?
Mayroon pa bang ibang paraan para siya ay mapigilan?
Tsk tsk paano kung wala na?
Paano kung unti-unti nang maubos ang kanilang mga pambala?
Okay, ang tanong…ano ba ang kanyang kasalanan sa bayan?
Mayroon ba?
Kung mayroon, mabeberipika kaya ‘yan at dadaan sa tamang proseso upang patunayan muna kung siya ay talagang nararapat na isalang sa isang impeachment trial?
Gayung alam naman natin na iba ang magiging trato sa kanya mga hindi niya kapanalig sa Kamara.
Dahil alam naman ng lahat na ang isang impeachment complaint ay isang maniobrang pulitikal na puwedeng hindi bumase sa katotohanan kundi sa bilang ng mga boboto at hindi boboto para ikaw ay ma-impeach.
At hindi maaring sisihin ang Kamara tungkol diyan dahil nasa kanilang mandato at kapangyarihan ang gumanap sa alinmang impeachment complaint na idudulog sa kanila.
At hindi rin nila kasalanan kung mas marami ang bilang ng grupong nasa kabilang panig at pabor upang siya ay ma-impeach.
At iyon ang reyalidad na sa ayaw at sa gusto ng lahat ay kailangang tanggapin.
Ang tanong muli…mauulit kaya ang pagkadiskaril ng impeachment complaints na inihain ngayon ng iba’t ibang grupo na nais hingin ang kanyang pagtalsik sa kasalukuyang posisyon dahil sa diumano’y mga anomalya at kasalanan sa bayan na ibinibintang sa kanya?
Masisiguro ba nila na yung sapat na bilang ng mga mambabatas na pumirma noon upang siya ay ma-impeach ay ganun pa rin ang kanilang bilang sa kasalukuyan?
Paano kung hindi na?
Paano kung makapag-isip-isip sila na baka madamay sila sa pagbagsak sa susunod na eleksyon kung sila ay sasama upang pabagsakin ang bise presidente eh samantalang karamihan ng mga pumirma noon sa impeachment ay sa kangkungan dinampot noong 2025 mid term elections?
At ang tanong, sakali at pumirma nga sila at nabigo na mapatalsik si VP Sara sa kanyang puwesto bilang ikalawang pangulo…ano ang kahihinatnan ng kanilang political career?
Naku…naku…naku!
At ang huling tanong ay wala nang iba…kundi ang mismong ating titulo sa itaas…PAANO KUNG MAKALUSOT SI VP SARA DUTERTE SA 3 IMPEACHMENT NA YAN?
At paano kung hindi ninyo magiba si VP Sara sa taong ito?
2027 na po next year at ang election ay gaganapin sa halos kalahatian lamang ng taong 2028…
Sa mga kalaban at kakalaban kay VP Inday…FASTEN YOUR SEATBELT!
