


MULING nakausad sa susunod na round ng torneo ang pinay tennis star na si Alexandra “Alex” Eala matapos pasadsarin sa straight sets ang nakatunggali na si Magda Linette ng Poland, 6-3, 7-6 sa Hard Rock Stadium, Miami Florida
Bagama’t nagpamalas ng kanyang kabihasahan ang Polish fighter na si Linette sa first set kung saan ay buong bangis itong nakipagpalitan ng matutulis na hataw at nakipagsalitan ng kalamangan sa iskor ay nagawa pa rin mangibabaw ni Alex upang sikwatin ang unang set.
Mula sa pagtatabla sa 3-all ay pinaulanan ng malulupit na palo ng pinay fighter si Linette at hindi na binigyan pa ng tsansa upang makahabol at isinara ang yugto sa 6-3.
Naging mas kapana-panabik ang second set kung saan mas matapang at kalkulado ang naging bawat galaw ni Linette kung saan muntik na niyang makuha ang set nang bahagya siyang nakaungos sa 5-4 at 6-5 subalit ang kalmado at may mas mahabang pasensya na pinay ay hindi bumitaw para maitabla ang iskor at mahatak ito sa tie break.
Bangungot na ang sumunod na paluan at maagang siniguro ni Eala ang kanyang ikatlong panalo sa torneo nang iwanan niya nang buong gilas si Linette 6-1 bago tuluyang tangayin ang panalo sa 6-2 (7-6).
Makakaharap ni Eala sa susunod na round ang World No. 14 na si Karolina Muchova na muling susubok kung makakakuha na ng panalo si Eala sa isang Czech opponent kung saan ay kasalukuyang 0-11 talo-panalo ang kanyang record.
