
Sobrang nakaka-relate ang Miss Eco International 1st Runner Up 2021 Kelley Day sa kanyang role bilang Olivia sa pelikulang “All About Her” na kalahok sa ika-8 edisyon ng Sinag Maynila Filmfest.
For one, ito ang unang pagkakataon niya na magbida sa isang pelikula.
Itinuturing din niyang familiar territory ang tema ang pelikula tungkol sa dalawang beauty queens na best friends na naging magkaribal.
“Iyong kasing unang pageant na sinalihan ko which was Miss World Philippines, I was actually competing with one of my best friends at that time. She ended up winning the crown and ako iyong naging first runner-up,so, talagang nakaka-relate ako,” aniya.
Tulad ng sinabi ng isang beauty queen na ang mga kontesera ay dapat laging competitive, iba raw naman ang take niya roon.
“Supposed to be,” pakli niya. “But you know, not all winners have to be strong about that. Sometimes you could win.. I mean, if it’s meant for you, it’s meant for you. If it’s your year, it’s your year. If that is gonna be coronation night and you have a good Q and A, it’s not automatic.. I mean, actually, there are things to consider. Even if you have the strongest drive pero bagsak ka sa Q&A o bagsak ka sa pasarela, it’s actually a balance of everything,”paliwanag niya.
Bukod sa kuwento ng pagkakaibigan, pinapaksa rin sa pelikula ang tungkol sa ambisyon, panibugho , kataksilan, paghihiganti at kung ano ang kayang gawin ng isang tao para matupad ang kanyang pangarap.
Ayon pa kay Kelley, may mga naririnig nga raw siya noong horror stories sa pageants sa iba’t-ibang panig ng mundo kung saan minsan ay ginapang ang korona, nasabotahe ang kandidata at hindi naging patas ang laban.
Gayunpaman, nagpapasalamat siya na hindi pa niya naranasan ang mga ito sa pagsali niya sa pageants.
“Personally, I did’nt experience that in the pageant world. Maybe I’m not the type na.. you go get it. Go, get it. Dapat na competitive ako. I wanna share the spotlight with everyone. I’m not super competitive when it comes to pageants. For me, it was just the experience,so siguro kaya I didn’t end up having problems with anyone. I’m just enjoying making friends. I did not take it super seriously that I would have to sacrifice friendships,” makahulugan niyang mensahe.
Hirit pa niya, naniniwala raw siyang mas masarap ang tagumpay kapag pinaghirapan.
“I always believe in fair game. Mas masarap kung pinaghirapan mo siya,”sey niya.
Nagpapasalamat naman si Kelley dahil nabigyan siya ng pagkakataong gumanap sa isang karakter na bukod sa challenging ay hindi perpekto.
“We have a different story. I like that lahat kami ay may flaws, may dark sides and that makes our characters more human. Lahat may issues and that makes storytelling more realistic than portraying the perfect girl na we’re used to seeing,”pagtatapos niya.
Ang “All About Her” ay sumasalamin sa mga tunay na kaganapan sa mga beauty contest na interesadong-interesado lagi ang mga Pinoy.
Karamihan ng mga elementong nangyayari sa mga beauty contest ay makikita rito, tulad ng dayaan, gamitan, exploitation, at iba pa. Tinatalakay din sa drama-thriller movie ang hiwagang bumabalot sa pagkamatay ng isang beauty queen na ginagampanan ni Yuki Sonoda.
Bukod kina Kelly at Yuki, tampok din dito sina Tony Labrusca, Itan Rosales, Marco Gomez, Angelica Cervantes, Pancho Magno, at Jim Pebanco. Hatid ng 3:16 Media Network, ito’y mula sa screenplay ni Quinn Carrillo. Executive-producers dito sina Ms. Len Carrillo at Melanie Uy, Mike Lazo Jharvis Ong. Ang ‘All About Her’ ay mapapapanood sa mga piling sinehan sa Metro Manila mula March 23-29, 2026. Magkakaroon ito ng theatrical run sa Gateway Cinemas (Cubao, QC), Eastwood Cinemas (Libis, QC), Uptown Cinemas (BGC, Taguig City), Venice Cineplex (McKinley Hill, Taguig City) at Lucky Chinatown Cinemas (Binondo, Manila).

