

HINDI lang ang titulo ng Miami Open 2026 ang hinagip ng World No. 1 Belarusian na si Aryna Sabalenka matapos talunin ang World No. 4 na si Coco Gauff sa isang makapigil-hiningang hatawan sa final game ng torneo, 6-2, 4-6, 6-3, itinanghal din siya na ikalimang female player na nakapagtala ng ng back-to-back titles sa event mula kay Ashleigh Barty noong 2019 at 2021 at kauna-unahan sa magkasunod na taon na nagawa ni Serena Williams na nag-ukit din para sa kanyang ika-24 na WTA singles title at ika-30 naman sa kabuuan kasama na ang kampeonato niya sa doubles na anim na beses niyang nakamit.
Una rito, naitala ni Iga Swiatek ang pagkumpleto sa Sunshine Double noong 2022 na naduplika ngayon ni Sabalenka sa pagwawagi niya ng mga titulo ng Indian Wells at Miami Open sa magkatulad na season.
Bukod kina Swiatek at Sabalenka ang tatlo pang female player na nagkamit nito ay sina Steffi Graf, Kim Clijsters at Victoria Azarenka.
“I haven’t had a moment to stop, look back and realize what’s happened in the past months.I’m so proud of the work we’ve done and the fight I was able to bring on court,” pahayag ni sabalenka sa isang panayam matapos ang laro.
“Coco will fight for every opportunity and she played incredibly, but I was mentally strong. I knew I was doing everything right and it was just a matter of a few points.”
