

ISANG mailap na panalo na nauwi sa masaklap na pagkatalo na uukit sa isa pang bagong leksyon sa papaangat na karera ng pinay tennis superstar na si Alexandra “Alex” Eala matapos na mabigong makausad sa quarterfinal round ng 2026 Upper Austria Ladies Linz nang talunin siya sa straight sets, 4-6, 7-5 ng World No. 23 na si Jelena Ostapenko sa isang nakakagulat na paraan.
Matapos ang mahigpit na unang limang game kung saan namayani si Eala sa iskor na 3-2, ipinamalas ng pinay ang kanyang dominasyon sa laban nang kunin nito ang 6th game para makalayo pa ng dalawang puntos, 4-2 subali’t mula doon ay bumangon ang pambato ng Latvia na si Ostapenko at dumiretso ng 4 na magkakasunod na game upang kunin ang panalo sa unang set at ipako sa 4 points ang pinay.
Sa ikalawang set ay isang mas mabangis na pinay warrior ang pumasok sa clay court at agad na kinontrol ang set sa pamamagitan ng isang 4-0 salvo at bumaklas pa ng double-break lead sa 5-1.
Bagama’t muling nagising para maghabol ang napailaliman na si Ostapenko at nagawa pa ni Eala na maiumang ang set point sa eight game, ang pambihirang tyaga at determinasyon ng Latvian ang nagbigay sa kanya ng isang matamis na pagkakataon upang baligtarin ang sitwasyon at maikamada ang anim na magkakasunod na panalo para tuluyang matuldukan ang kanyang tagumpay na tinapos nito sa loon ng isang oras at 43 minuto.
Nakatakdang makasagupa ni Ostapenko sa quarterfinals ang pambato ng Romania na si Elena-Gabriela Ruse.
