
Gaano katotoo ang kinesong balita tungkol sa isang aktor na takot masapawan ang anak.
Ang tsika, naging stage father na raw si aktor.
Nakikialam na raw ito sa mga proyektong kinasasangkutan ng dyunakis.
Katunayan, pati raw sa casting ng projects ng anak ay nagme-meddle ang aktor.
Ayaw daw ni aktor na may mas guwapong cast member kesa sa anak dahil takot itong masapawan ang dyunakis.
Ang balita, medyo nai-stress din daw ang produksyon dahil nahihirapan na sila sa pakikialam ni aktor sa casting ng kanilang project.
Kasi ba naman, binubusisi raw talaga ni aktor ang magiging partispasyon ng kanyang anak na dapat lagi itong magsha-shine.
Sa kaso naman ng dyunakis, marami ang nagsasabing medyo hilaw pa ito dahil kulang sa talent.
Sinech ang stage father na ito?
