
Sino itong aktres na kinaiiritahan sa set ng seryeng kanyang ginagawa?
Ang siste, hindi raw kasi makapag-pokus sa kanyang trabaho si aktres.
Pati raw ang director ay kinol-out na si aktres dahil sa nakakailang take ito sa kanyang mga simpleng eksena.
Ang tsika pa, hindi raw nakakapag-concentrate si aktres sa pag-arte dahil nako-conscious daw ito sa presence ng kanyang boyfriend.
Pag nagre-report raw kasi si aktres sa shoot ay karay nito ang kanyang dyowa.
Kapag daw naman, naka-break sa set, wala raw ginawa ang aktres kundi ang makipaglambutsingan sa kanyang boyfie.
May bulung-bulungan pang na-imbudo ang co-stars nito sa attitude ni girl.
Ayon pa sa sources, kung sakali man daw mag-disappearing act ang aktres o matsugi ang karakter nito sa serye ay alam na raw na isinusuka na siya ng produksyon.
Sinech ang aktres na ito na produkto ng isang reality show?
