
Bago pa man nagkapangalan ang aktres na ito ay isa na siyang fan. Katunayan, mahilig manood ng KDrama si aktres noong panahon ng pandemya.Tagahanga rin ang aktres na ito ng mga tinitiliang boy group sa Korea.
Na-fulfill naman ang fantasy niyang ma-meet ang mga iniidolo nang minsan niyang makadaupang palad ang mga ito nang mag-travel siya sa Seoul.Sa true lang, masasabing talagang palong-palo ang aktres na ito ng anything about the Land of the Morning Calm.Bet din niyang ginagagaya o kumukuha ng inspirasyon sa kinabibiliban niyang female K pop idols pagdating sa hairstyle o outfit-an.
Minsan dumalo ang aktres sa isang event pero sa halip na umani ng compliments ay mga batikos o puna ang natanggap niya sa netizens.Sey pa ng mga nagmamaldita, sobrang tsaka raw ng gayak ng kanyang hair.May mga nagmamahadera pang nagsabing mas keri pa raw magdala ng isang kilalang influencer at komedyante given the same look kesa sa kanya.
Naging palaisipan din sa mga katkatera at sawsawera ang hindi pagpo-post ni aktres ng anumang litrato noong naganap na glitz and glamour event na dinaluhan niya.Kasama kasi ang aktres sa listahan ng mga inokray ng tigbak authority pagdating sa mga mapanuri sa fashion.Ang nakarating na tsika, sobrang imbiyerna raw ang aktres sa kanyang stylist dahil umani ito ng sandamakmak na pamba-bash dahil sa kanyang naging look noong gabing iyon.Dahil dito, tsinugi raw nito ang kanyang stylist.Sino ang aktres na ito?