

NALUSUTAN ni pinay tennis star Alexander “Alex” Eala ang kanyang unang laro kontra sa 2024 Paris Olympic silver medalist na si Donna Vekic ng Croatia makaraang talunin ito sa tatlong umuusok na sets, 4-6,6-4, 6-4 sa kanyang first match sa ASB Classic 2026 na ginaganap sa Manuca Doctor Arena sa Auckland, New Zealand.
Matapos na mabigo sa masikip na unang set kung saan agad na nakapagtala ng 3-0 kalamangan si Alex ay bumalik si Vekic upang kunin ang panalo sa 6-4.
Sa second set ay mas naging maigting ang palitan ng hataw ng dalawang manlalaro kung saan ay nagpalitan lamang sila ng kalamangan bago humulagpos sa huling bahagi ng set si Alex upang manaig sa set at maitabla ang laban, 6-4.
Ang ikatlong set ay naging mabait para sa fourth seeded na si Eala at nanatiling naghahabol lamang sa kanya si Vekic na ang tanging nagawa ay makalapit sa 5-4 pabor kay Alex bago tuluyang bumigay sa huli kasunod ng kanyang pamamaalam sa torneo.
Isa pang Croatian sa katauhan ni Petra Marcinko ang makakaharap ni Eala sa second round.
