By JEMUEL CAINGLET SALTERIO
Isa na namang iconic star ang nagpaalam sa mundo, at isa ang YouTube Star na si Alex Gonzaga sa mga Pinoy celebrities na talagang nawindang sa balitang ito. Sa kanyang Instagram stories, hindi naitago ni Alex ang kanyang lungkot sa biglaang pagpanaw ni Barbie Hsu, ang Taiwanese actress na gumanap bilang Shancai sa sikat na seryeng ‘Meteor Garden’.
“My Shancai!!!! Rest in peace,” emosyonal na post ni Alex. Dagdag pa niya, “Thinking how would Dao Ming Su feel .”
Talagang certified ‘Meteor Garden’ fan si Alex, at pruweba rito ang kanyang throwback post kung saan makikita siyang naka-costume bilang Shancai, habang si Luis Manzano naman ay ginaya si Dao Ming Si, ang karakter ni Jerry Yan sa naturang serye.
“My obsession with ‘Meteor Garden’ is real,” caption ni Alex sa kanyang post.
Para sa mga batang 2000s, ang ‘Meteor Garden’ ang OG na Asianovela na sumira sa mga remote control ng bahay—lahat gustong manood! Si Barbie Hsu, bilang si Shancai, ay naging ultimate girl crush at relate much ang maraming Pinay sa kanyang kuwento ng love-hate relationship with the pasaway but lovable na si Dao Ming Si. Kaya naman hindi kataka-taka na marami ang nalungkot sa kanyang pagpanaw, lalo na ang mga gaya ni Alex na die-hard ‘Meteor Garden’ faney.
Si Catherine Mae Cruz Gonzaga, mas kilala bilang Alex Gonzaga, ay isang aktres, host, at YouTube sensation ay hindi lang kilala sa pagpapatawa kundi pati na rin sa kanyang pagiging super real sa kanyang mga fans. Nagsimula siya sa showbiz sa ABS-CBN sitcom na ‘Let’s Go’ at ngayon ay isa sa pinakamatagumpay na content creators sa Pilipinas. Ikinasal siya sa Lipa City councilor na si Mikee Morada at siya rin ang nakababatang kapatid ng aktres at host na si Toni Gonzaga-Soriano.
Hindi lang basta artista si Alex—isa rin siyang fan na tulad nating lahat, kaya naman ramdam na ramdam ang kanyang fandom feels sa pagkawala ni Barbie Hsu. Sa huli, ang ‘Meteor Garden’ ay hindi lang basta palabas—ito’y isang bahagi ng ating kabataan, at ang pagpanaw ni Barbie Hsu ay parang isang paalala na minsan, ang mga kwentong bumuo sa atin ay may wakas din.
Rest in peace, Shancai. Maraming salamat sa lahat ng kilig at inspirasyon.