


Pinasinayaan na ang bagong bahay na binili ng rapper na si Andrew E.
Malapit lang ito sa bahay niya sa BF Resort Village sa Las Piñas.
Noon pa pala pinapangarap ni AE na magkaroon ng isang kumbaga eh, halfway house for his artists na rappers halos lahat. Noon pa lang 1997. Kung saan papasikat na rin ang mga rappers niya gaya ng Salbakuta.
Kaya 90s pa lang, marami na ang mga nagsulputan at sumunod sa kanilang mga yapak na rapper. At isa nga sa naalala ko ay si John Rendez.
Dyan na rin nagsimula ang itinatag na Dongalo Wreckords ni AE. Sa nasabing kumpanya, sumibol pa ang mas maramibg rappers in the said production outfit.
Dongalo ang lugar kung saan isinilang si Andrew E. At dala-dala niya ang ngalang ito magpasa hanggang ngayon.
Ayon kay Mylene, ang butihing maybahay ni AE, binili nila ang bahay para talaga sa kanilang mga alagang rappers. Kung saan magkakaroon ng studio ang kanyang Dongalo Wreckcords. Kung saan mananahan ang napakarami na niyang rappers para sa kanilang events and gatherings, pictorials, recordings, lahat na.
Rap is not dead. Sa mga mainstream music nga eh nag-i-inject pa rin sila ng mga rap songs magpa-hanggang ngayon.
Kung titingnan ang naging buhay ng nasabing rapper, kitang-kita na umunlad ang buhay nito. Dahil hanggang sa ibang bansa ay kinilala na siya. Lalo sa Japan at Amerika.
Ang maganda lang kay AE, nanatili siyang mapagpakumbaba. Nakatapak sa lupa ang mga paa. At iniaakma sa buhay ang lahat ng mga natutunan sa mga kinaharap na hamon nito mula nang magsimula siya hanggang pumaimbulog.
Ngayon, this is his way of giving back. Lalo na para sa mga rappers na patuloy na tumitingala sa kanya. To do more songs na maipagmamalaki sa bagong henerasyon sa buobg mundo.
Awards. Projects. Blessed si AE at pamilya sa maraming bagay.
Bukas-palad sa lahat ng tao si Andrew. Walang sini-sino. Kaya, hindi imposibleng mas maging malaki pa ang buwelta ng magandang kapalaran sa kanya, sa kanila ng pamilya niya.
Pwede na ngang sabihing he is livin’ la vida loca. The lifestyle of the rich and famous. Pero hindi. Ayaw niya na sarili niya lang ang umangat at guminhawa.
‘Yan ang nagamit at ginagamit pa sa magandang paraan na katas ng rap!
