

ANG unang katangian ng pagiging artista ni Anne Curtis ay ang kanyang hitsura. Hindi siya mayabang para sabihing perpekto ang kanyang byuti sa tuwing pinupuri siya, na maging ang kapwa niya mga artista ay naaaliw at bumibilib sa kanyang pagdadala ng personality at iyon ang pinagmumulan ng kanyang karisma.
Sa kabila ng kasimplehan at kabaitan ni Anne bilang celebrity ay nakakaranas din siya ng mga pagpuna at pintas mula sa mga fans na hindi niya mga supporters at iba pang hindi kakilala na gusto lang siyang pintasan at intrigahin dahil trip nila.
Nitong huli, habang pinupuri ang kaseksihan ng tv host ng “It’s Showtime!” ng ABS-CBN ay bumulaga sa social media ang puna ng isang babae: “Curious talaga ako. Bakit ganyan ‘yong hips ni Anne, nasa baba?”
Mula ulo hanggang paa ni Anne ay pinansin. Hitsurang may problema diumano sa health ang tv host na dapat nitong tutukan
Tila may kakaiba raw ngayon sa hitsura ni Anne. Sabi nila, may bukol sa leeg ang aktres na pansinin na, kaya dapat magpa-check up na sa duktor, baka daw may problema sa thyroid. May kakaiba rin daw sa mga mata nito. Idinamay rin na pintasan ang legs ng wife ni Erwan Heusaff. Pangit na raw ang shape, may konting fats, kaya paano raw si Anne naging Diyosa ng showbiz?
Hindi mahilig pumatol si Anne sa mga intriga. Sobrang happy siya sa buhay. Wala silang problema ni Erwan. Sobrang siyang busy sa movie career, at ilang pelikula ang kanyang ginagawa ngayon.
EJAY FALCON, BIDA SA PAGBABALIK-SHOWBIZ


NAGING isa sa mga dahilan ng pansamantalang pamamahinga ni Ejay Falcon sa showbiz ang pagpasok niya sa larangan ng pulitika. Napansin na siya bilang aktor at masaya naman siya sa naging takbo ng kanyang movie career noon. Pero iba pa rin para sa kanyang pakiramdam ang saya na maging public servant.
Kaya hindi niya itinanggi na sobrang nalungkot siya sa kanyang naranasang pagkabigong makuha ang puwesto sa kongreso noong halalan 2025. Siya ay dating bise gobernador ng Oriental Mindoro.
Bitin pa ang showbiz kay Ejay sa kanyang napatunayan sa ilang nagawang pelikula at magkakasunod na nilabasang teleserye sa ABS-CBN. Guwapong pambida ang hitsura niya na kinambalan ng kanyang magandang height at katawan.
Kaya tamang-tama ang pagdating sa kanya ng alok ng Mamay Production para maging isa sa mga bida ng pelikulang “KAPPA-TIRAN” mula sa direksiyon ni Neal Buboy Tan. Kasama niya rin sa pelikula sina Sheryl Cruz, Baron Geisler, Bembol Roco, Patricia Javier, Mon Confiado at Larkin Castor.

