
NASAWI ang apat katao na kinabibilangan ng isang Barangay Chairman, dalawang kagawad niya at ng mismong suspek sa pamamaril sa kanila na naganap sa Dasmarinas, Cavite.
Batay sa ulat, nangyari ang madugong pamamaril habang nagsasagawa kahapon ng flag-raising sa harap ng Barangay Hall ng Brgy Salitran 3 nang biglang lumitaw ang suspek na isang dating barangay Tanod na nakilala sa alyas na Ariel, 50 anyos na naglabas ng baril at walang takot na pinagbabaril ang mga biktima.
Napatay ang 50 anyos na Barangay Chairman na si Raul Atarde Ballos, ang dalawa niyang Kagawad na sina Jose Lagones, 65 anyos at Marvin Canete habang nasugatan naman Sanggunian Kabataan Secretary na si Christine Joseph Bonus.
Nasawi naman ang suspek matapos na magbaril sa sarili makaraang maisagawa ang pamamaril.
Wala pang malinaw na motibo kung bakit nagawa ng suspek ang nakakakilabot na pamamaril.