

Masaya ang multi-awarded theater actor at Philstagers founder na si Vince Tanada dahil napili ang obra niyang “Ang Bangkay” bilang isa sa anim na kalahok sa full-length film category ng ika-8 edisyon ng Sinag Maynila filmfest.
“I’m grateful and indebted to Direk Brillante and Sir Wilson Tieng of Solar Films dahil napili kami and for the opportunity na maipalabas iyong film namin sa Sinag Maynila niya,” bungad niya.
Bagamat nagkaroon na ng special screening, nilinaw naman niya na hindi pa ito naipalabas sa mga sinehan.
“Nag-special screening kami pero after that wala naman kaming commercial release, only special screening.While waiting for the right time, nagkaroon kami ng chance na maipalabas sa Cannes Film Festival Marché Du Film sa France,” aniya. “Then, heto na nga, ipalalabas kami on a bigger platform. Actually, the intention is for us to have a platform for our film to be released and seen by many people,”dugtong niya.
Ayon pa kay Vince, natutuwa siya dahil nag-eevolve na rin ang filmmaking sa bansa.
“Nagbago na ang landscape ngayon. Even iyong mga actors natin were given the chance to act on stage. Same level field na rin sila sa mga taga-teatro who act on the big screen,”bulalas niya.
Hirit pa niya, dahil daw sa tagumpay na tinamasa ng kanyang “Katips”, mas nagiging ganado siya sa pagproprodyus ng iba niyang obra para sa ibang content.
“After the success of ‘Katips’, nagkaroon tayo ng funding. Noong pandemic, we went digital also. Then, we continue to produce plays like “Supremo”para sa schools,”ani Vince. “For me, isa sa goals ko is to immortalize my various scripts that I did in the past and for my talents to be able to showcase their acting prowess,”paliwanag niya.
Ang “Bangkay” ay halaw sa kanyang Palanca-award winning full-length play na may parehong titulo noong 2012.
“Ito ay tungkol sa isang pamilya. I remember very vividly when this won in the Palanca, the granddaughter of Palanca talked to me and she said, ‘don’t you know that the that the story doesn’t have a moral?’ And it has lots of profanity. Ang dami pong mga murahan. It’s about sexual relationship. It’s about violence and tungkol sa pagmamalabis ng isang ama. Sabi ko, do you need to edit the script because I know that you are using Palanca for educational institutions and for I mean, scholastic release.
Sabi niya, no, it’s about time that we should be revolutionary about literature. And I said, I’m sorry to tell you but there is also a moral to the story. Kasi tayo pong lahat nangangailangan ng trahedya ngayon. Kasi para po pag nakakita tayo ng isang malalim na trahedya sasabihin nating mas maswerte tayo kaysa sa pinapanood natin. So this is not only about darkness it’s also appreciating the light that we have,”makahulugan niyang pagbabahagi.
Mapangahas at mapusok kung ilarawan ni Vince ang “Ang Bangkay”.
Kuwento ito ni Don Segismundo Corintho, isang biyudong embalsamador (na ginagampanan ni Vince Tañada at mga misteryong itinatago ng kanyang pamilya.
Bukod kay Vince, may mga eksena ng frontal nudity dito sina Vean Olmedo, Johnrey Rivas, Lili Montelibano, at Juan Paulo Calma samantalang si Mercedes Cabral ay may breast exposure.
Ang gala premiere ng pelikula ay gaganapin sa Marso 25, Miyerkules ng 8:00 P.M., sa Cinema 18 ng Gateway Mall II, Cubao, Quezon City.

