

MAYROONG mga tagahanga ng loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco ang nagpapahayag ng kanilang kalungkutan, sa kaganapan ngayon ng kanilang tambalan, ang BarDa, na sa wari nila ay nagkakahiwalay na. Ito ay sa dahilang ang mga proyektong ginagawa nila ngayon ay sa iba na sila ipinareha.
Si David ay kasama ni Jillian Ward sa bagong teleserye na pagbibidahan nito, ang “Never Say Die” ng GMA -7. Kaya papaano na raw ang tambalang BarDa?
Kaba pa ng mga tagasubaybay ng BarDa ay baka mapag-iwanan na ng ibang tambalan ang kanilang idolo kung ganitong nagkakahiwalay na dahil sa magkakaibang proyektong kanilang ginagawa sa kasalukuyan.
Nag-iiba na kasi ang direksiyon ngayon ng movie career ni Barbie. Nakakapagsolo na siya, at nitong huli ay kasama na siya sa pelikulang “Until She Remembers” ni Direk Brillante Mendoza na pinagbibidahan din Nina Charo Santos at Boots Anson Roa.
Nagkukulang naman kasi sa todong kilig ang tambalang BarDa, dahil kulang ang sweetness nina Barbie at David na nakikita ng mga fans. Na-link pa ang Kapuso actress kay Jameson Blake. Guwapo rin si Jameson kung ikukumpra kay David. Bagay din sina Barbie at Jameson.
Guwapo rin si Jameson kung ikukumpra kay David. Bagay din sina Barbie at Jameson.
Hala! Paano na nga ang BarDa?
KRIS BERNAL, INIINTRIGANG MATAPOBRE NA PORKE’T MAYAMAN NA

HINDI pa man nagbabalik-teleserye si Kris Bernal pagkatapos niyang magpakasal sa businessman-chef na si Perry Choi noong 2021 ay nagsimula nang maglabasan ang mga intriga na nagbago na raw ang ugali ng aktres, dahil nagbago na sitwasyon ng pamumuhay ng aktres.
Hindi lang naman kasi tumutok si Kris sa kanyang pagiging artista lamang, dahil bago siya nagpakasal sa kanyang husband ay nagsimula na rin siyang mag-business mula sa perang kanyang naiipon mula sa showbiz.
Kamakailan ay muling pinukol ng intriga si Kris, kung bakit daw naka-uniporme ang kanilang mga helpers, lalo na kung may importanteng lakad ang buong pamilya.
Pinagmumukhang kawawa ng mga intriga ang mga helpers nina Kris sa pagsusuot nila ng mga uniporme. Sa ganang samahan ng mga kasambahay at ng pamilya ni Kris ay wala silang problema.
Sumagot na si Kris, at sa paliwanag din ng Isa sa kanilang mga kasambahay ay nagpahayag na nu’ng mag-apply pa lang sila bilang kasambahay ay tinanong sila kung gusto ba nilang magsuot ng uniporme? Mas kumportable na raw silang naka-uniporme.
Maging ang mga dating kakilala ni Kris ay nagpapatunay, na sa pagkakakilala nila sa wife ni ay hindi siya matapoble o nagbago ng ugali dahil nu’ng baguhan pa lang sa showbiz ang dating ka-loveteam ni Aljur Abrenica ay mabait na tao talaga siya at very friendly.

