Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng ₱0.2189 kada kilowatt hour (kWh) na bawas sa singil ng kuryente para sa January billing.
Ayon kay Meralco Vice President at Head ng Corporate Communications na si Joe Zaldarriaga, ang bawas-singil ay magbababa ng overall electricity rate ngayong buwan sa ₱11.7428/kWh, mula sa dating ₱11.9617/kWh noong Disyembre.
Ipinaliwanag niya na ang bawas-singil ay nangangahulugan ng:
₱44 na tipid para sa mga tahanang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan,
₱66 para sa mga gumagamit ng 300 kWh,
₱89 sa mga may konsumo na 400 kWh, at
₱112 para sa mga nakakakonsumo ng 500 kWh kada buwan.
Ayon pa kay Zaldarriaga, ang pagbaba ng singil ay dulot ng mas mababang generation charge, na bumaba ng ₱0.1313/kWh. Samantala, kahit may bawas sa singil ng kuryente, patuloy pa rin ang paalala ng Meralco sa kanilang mga konsyumer na maging matipid sa paggamit ng kuryente.