

May kilig ang usap-usapan sa showbiz, na hindi na ligawan lang ang nagaganap ngayon kina Bea at Vincent. Kundi magkarelasyon na nga daw!
Kaya naman kanya-kanya agad ambag ng kanilang reaksiyon ang mga netizens. Sabi nila:
“Yan na siguro ang magiging forever ni Miss Bea. Kasi mas mayaman na ‘yong guy kesa sa kanya.”
“‘Yan ang sinasabi na dapat mas mayaman pa kay Bea ‘yong lalaking manliligaw sa kanya
“Let’s just hope and pray for Bea’s happiness.”
Siyempre pa, mayroon din namang nag-iimbento ng fake news. Na kesyo dati naman, hindi daw type ni Bea ang bagong lalaking malapit sa puso niya ngayon. Na kesyo hindi naman daw super guwapo si Mr. Co kung ikukumpara sa mga dating nakarelasyon ng magandang aktres.
Ikinumpara na nila ang hitsura ni Mr. Co kina Zanjo Marudo, Domimic, Jake Cuenca, Gerald Anderson at sa yumaong si Miko Palanca na mga napakaguguwapong naging karelasyon noon ni Bea.
Mabait na tao si Bea. Kaya maraming nagmamahal sa kanya sa showbiz. Sana nga, habang nariyan ang kanyang movie career at isa na siya ngayon sa pinakamayamang artista sa showbiz, ay piliin na ulit niyang maging maligaya kasama ang lalaking magpapasaya at magpapaligaya sa kanya. ‘Di ba naman?

