
PUMANAW na sa edad na 65 taon ang beteranong aktor na si Bing Davao, anak ng beteranong aktor na si Charlie Davao at kapatid ng kapwa aktor na si Ricky Davao.
Ang malungkot na balita ng pagpanaw ng aktor ay kinumpirma ng anak ng kanyang kapatid na si Ricky at ayon sa isang mensahe ay sinabi nito na pumanaw si Bing nitong umaga ng Sabado sanhi ng cardiac attack.
Si Bing ay nakilala sa mahusay na mga pagganap bilang character actor at supporting actor sa maaaksyong pelikula noong kaagahan ng dekada 80 kung saan nakakasama niya ang mga sikat na action star noon na sina Ronnie Rickets, Philip Salvador at iba pa.
Ilan sa mga naging pelikula niya kung saan ay nagpamalas siya ng kanyang kahusayan sa pagganap ay sa Soltero noong taong 1984, Homicide manila Police noong taong 1989, Kahit Butas ng Karayom Papasukin ko with Da king FPJ, Felix Manalo noong taong 2015 at marami pang iba.
