



Mga marites, hold your pearls—dahil siya na nga! Ang nag-iisang Kris Aquino, ang ‘Queen of All Media,’ ay nagbalik sa eksena with all the drama, glam, at heart! After years of battling multiple autoimmune diseases, rumesbak si Kris sa People Asia’, ‘People of the Year 2025 Awards Night’ para bigyang-pugay ang kanyang friendship at top-tier fashion designer na si Michael Leyva.
Hindi lingid sa madlang pipol ang health journey ni Kris—mula sa kanyang laban kontra sa chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, vasculitis, at eosinophilic granulomatosis with polyangiitis, hanggang sa latest addition na rheumatoid arthritis noong November 2024. Imagine, anim na autoimmune diseases ang sabay-sabay niyang kinakaharap, pero heto siya, nakangiti at glowing! Gandang hindi mo inakala!
Sa kabila ng matitinding pagsubok, never siyang bumitaw sa laban, palaging shinare ang kanyang health updates sa kanyang loyal followers, at laging nagpapasalamat sa kanilang suporta. Kaya naman nang makita siyang rumampa ulit sa isang major event—bongga ang feels!
Ang friendship nila Kris at Michael ay woven in fashion and love. Dahil certified loyalista si Kris pagdating sa fashion, hindi na bago na si Michael Leyva ang kanyang bet pagdating sa mga couture moments. Si Michael ang genius sa likod ng kanyang iconic looks, kabilang na ang isinuot niya sa Hollywood premiere ng ‘Crazy Rich Asians’.
Pero ang kwento ni Michael ay isang drama realness din. Bago siya naging superstar designer, pangarap niyang maging flight steward. Ngunit dahil sa biglaang pagpanaw ng kanyang kapatid na si Brian Leyva noong 2010, nag-decide siyang ituloy ang legacy nito sa fashion. At ayan na nga, from being a dreamer to becoming one of the Philippines’ most sought-after designers, bongga ka, ‘day!
Hindi lang fashion ang forte ni Michael, kundi pati puso. Certified generous siya pagdating sa pagtulong sa nangangailangan, lalo na sa bridal industry, kung saan maraming pangarap ang kanyang natupad.
Ang People Asia’s ‘People of the Year 2025’ ay hindi lang basta awards night—isa itong celebration ng passion, dedication, at pagmamahal sa ginagawa. Ito tin ay isang gabi ng inspirasyon. Ang presensya ni Kris Aquino ay parang golden comeback sa showbiz, isang patunay na kahit gaano kahirap ang laban, basta may puso at suporta, walang hindi kakayanin!
At syempre, ang recognition kay Michael Leyva ay isang standing ovation para sa kanyang galing at generosity. Sila ang tunay na power duo—isa sa media, isa sa fashion—at parehong may pusong handang magmahal at magbigay inspirasyon sa iba.
Kaya naman mga kaps, the Queen is soooo back! At sa kanyang pagbabalik, isang bagay lang ang sigurado—mas pak na pak at shala pa ang mga susunod na kabanata sa buhay ni Kris Aquino. Abangan!
We are happy for you, Kris
‘Yun na!
