
MABILIS talaga ang naging atraksiyon sa isa’t-isa ng sikat na guwapong aktor at ng pantasyang aktres, dahil pareho silang umaapaw sa kagandahan at kaguwapuhan.
Mabilis nabuo ang kanilang relasyon, dahil pareho din sila ng katangian: mainit silang masyado pagdating sa kaligayahan sa ibabaw ng kama.
Trip-trip lang sa simula. Gustong pagsawaan ni aktor ang katawan ng aktres, dahil bukod sa napakaganda nitong mukha ay napakaseksi rin nito. Ganun din si aktres, balita sa showbiz ang husay ni guwapong aktor sa kama, at pinagpala rin si aktor ng malaking hinaharap.
Mag-live in sila. Nang magtagal, na-turn off si aktor dahil mapansin niyang hindi malinis sa katawan ang magandang aktres. Kabaligtaran niya, dahil si aktor ay mahilig maligo, halos tatlong beses sa isang araw. Si aktres, mukha lang mabango at malinis tingnan ang hitsura dahil maganda. Lagi siya sa bedroom, laging tulog, laging gustong makipag-sex, pero ang tamad maligo.
Pinagsawaan na ni aktor ang katawan ng magandang aktres. Hindi na niya kinaya ang kadugyutan ni aktres, kaya unti-unti na siyang humiwalay sa girl kahit hindi na ipinaliwanag ang kanyang mga dahilan.
