
NAGBITIW na rin bilang isa sa mga komisyuner ng itinatag na Independent Comission for Infrastracture (ICI) si Comm. Rossana Fajardo na magiging epektibo sa Disyembre 31, 2025.
Si Fajardo ang ikatlo sa mga nagbitiw sa ICI kabilang sina Baguio City Benjamin Magalong at at dating Department of Public Works and Highway (DPWH) Rogelio Singson.
Sa kanyang naging pahayag kasunod ng isang courtesy resignation ay wala siyang sinabi na anumang detalye tungkol sa kanyang naging desisyon at hindi rin siya nagpahayag kung ano ang naging pangunahing rason kung bakit bigla siyang nagbitiw sa kanyang tungkulin.
Gayunman ay ipinagpasalamat ni Fajardo na siya nakabilang sa nabanggit na komisyon at nakasama ang iba pang miyembro nito na walang ibang hangad kundi ang mapaglingkuran ang bansa at ang mga mamamayang pilipino.
At nagpapasalamat dahil nagkaroon aniya siya ng pagkakataon na maglingkod sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng naging posisyon sa ICI.
Naniniwala rin umano siya na may mga ahensiya naman ng ating pamahalaan tulad ng Office of the Ombudsman na sa tingin niya ay may angkop na kapangyarihan at kakayahan upang gawin ang pag-iimbestiga sa mga nararapat na sumailalim sa malalim na pagsusuri kaugnay sa mga anomalya na may kinalaman sa inspraktura.
Dahil sa pangyayaring ito ay muling umingay ang usapin tungkol sa kalagayan ng ICI bilang isang komisyon na may kredibilidad at sapat na kakayahan upang pamunuan ang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects na kanilang tinututukan na dahan-dahang nalalagasan ng mga pangunahing personalidad na tulad ni Fajardo na inaasahan hindi lamang nagluklok sa kanila kundi lalo’t higit ng mga mamamayang pilipino na ang hangad ay malantad ang katotohanan.
Kung ano ang susunod na magiging hakbang ng mga kinauukulan matapos ang isa pang pagbibitiw na ito sa komisyon ay ang ating susunod na dapat na antabayanan.
Mahalaga ito hindi lamang para sa komisyon kundi lalo’t higit sa ating mga kababayan na naghahangad ng ‘tunay’ na transparency at accountability.
Happy New Year po sa lahat!!!
