
MAGALING umeksena ng pagpapanggap sa showbiz ang dalawang magandang aktres. Pareho naman silang dumaan sa ilang beses na pakikipagrelasyon sa mga lalake. Pero ang tanong: “Bakit puro sila pakikipagrelasyon? Kailan naman sila magpapakasal sa jowa-jowaan nilang mhin?”
Walang nagduda sa closeness ng dalawang magandang aktres. Ang mga etching nila sa press people na pumupuri sa kanilang friendship ay, una’y pamilya na ang turing nila sa isa’t-isa. Pangalawa, hindi nila kayang ikumpara ang kanilang samahan sa ibang nakikipagkaibigan sa kanila. Basta, iba raw sila.
Sina aktres A & B ay hindi na halos nagkakahiwalay. Nakikitulog madalas si Aktres A sa house ni Aktres B. Nagtataka ang pamilya ni Aktres B, dahil sa tuwing nasa bedroom sila na naka-kandado ay bawal istobohin kesehodang dalawang araw silang nagkukulong sa loob ng kuwarto.
Lingid kay Aktres B ay pinakikitaan ng kanyang pamilya at mga kasambahay ng di maganda si Aktres A. Hindi na iniimikan, iniirapan at pinagtataasan ng kilay. May nagbulgar kasi sa mommy ni Aktres B na si Aktres A ay may mga pakikipagrelasyon sa mga kapwa babae at mga lihim na tomboy sa showbiz.
Dahil dito, unti-unting nawala ang closeness ng dalawang magandang aktres. Nag-iiwasan na.
Ang clue: sina Aktres A at Aktres B ay pareho pa ring sikat ngayon at magaganda. Parehong laging may karelasyong lalake. Pero hindi pa rin nagpapakasal sa lalake.
