


HABANG patuloy na isinasalba ang movie industry sa pagkakalugmok nito dahil sa naging paghina ng kita ng mga pelikula sa takilya ay malaking pasasalamat na rin, mayroong mga movie producers na masasabing bago pa rin sa industriya na hindi pinanghihinaan ng loob, bagkus ay nagpapatuloy sa paggawa ng mga pelikula.
Kapuri-puri siyempre ang Bentria Productions ni Mr. Benjie Austria, dahil pinatutunayan ng nasabing movie company ang pakikiisa sa patuloy pang paghahatid sa mga manonood ng mga makabuluhang pelikula. Marami na silang naiprodyus na pelikula, at sa kasalukuyan ay sunod-sunod pa rin ang mga natapos na nilang pelikula at ang iba pang proyektong nakatakda nilang pasimulan ang shooting.
Unang ihahandog ng Bentria Productions sa taong ito ay ang pelikulang “GRADUATION DAY” showing March 25 in selected Cinemas. Starring Elizabeth Oropesa, Jeric Gonzalez, Simon Ibarra, Rico Barrera, Angeline Sanoy and Aidan Veneracion. Hindi gumagawa ng basurang proyekto ang kumpanya, kaya mayroong La Oropesa na sa tagal ng panahon ng pagiging artista ay hindi lumalabas sa basurang pelikula.
Sa pagkakataong ito, ipinagkakatiwala din ng Bentria Productions ang pagsulat ng kuwento at direksiyon sa dating aktor ng Seiko Films na si Dante Balboa. Malaki ang tiwala ng kumpanya kay Direk Dante, kaya ilang kuwentong sinulat niya ang binili na rin ni Mr. Benjie Austria para isapelikula
.

