

BIGO sa kanyang semifinal match ang pinay tennis star na si Alexandra ” Alex” eala kontra sa 7th seed na pambato ng China na si Xinyu Wang 5-7, 7-5,4-6 sa 2026 ASB Classic WTA 250 sa Manuka Doctor, Auckland New Zealand.
Si Wang na nagpamalas na mahusay na serve ay agad na humataw ng 5-1 salvo sa first set bago bago magkulapso sa huling mga minuto ng set kung saan nagpakita ng kanyang husay tibay at mas malawak experience ang pinay tennis player at kinuha ang unang yugto ng labanan matapos kunin ang huling 6 na puntos sa hatawan, 7-5.
Ang Ikalawang set ay muling pumabor kay Wang matapos na makapagtala ng 2-0 kalamangan subalit nagawa pa ring mabaliktad ni Eala ang sitwasyon matapos na humataw ito ng 5 to 1 rally at nakuha ang lamang sa 5-3.
Gayunman, napigilan ni Wang sa pagpuntos si Eala at naiukit nito ang huling apat na puntos sa set upang kunin ang panalo, 7-5 upang palawigin ang kanilang laban sa final set.
Ang third set ay naging napakahirap para kay Eala kung saan ay kinakitaan na rin siya ng matinding pagod na dulot ng dalawang laro niya noong nakalipas na araw sa singles quarterfinals at double match na sinamantala ni Wang na agad nagpakawala ng 3-0.
Humugot pa si Eala ng lakas matapos ang maikling pahinga at nagawang makadikit sa 5-4 bago tuluyang bumigay sa pagtatapos ng laro.
Makakaharap ni Wang sa finals ang sinumang magwawagi sa laban nina Iva Jovic at Top seed Elina Svitolina.
