

BIGO na makausad sa semifinal round ng WTA 1000 Dubai Tennis Championships ang pinay tennis star player na si Alexandra “Alex” Eala matapos ang isang mala-bagyong performance na ipinamalas ni world no.4 Coco Gauff sa kanilang sagupaan kung saan nagwagi ang huli, 6-0,6-2 na tumapos sa kampanya ni Eala sa torneo.
Tulad ng inaasahan, dinomina ng higit na paboritong si Gauff ang kabuuan ng kanilang laban kung saan ay hindi pinaiskor ng American star si Eala sa unang set na tinampukan ng 15 unforced errors na naitala nito.
Sa ikalawang set ay bahagyang nabuhayan ng loob ang fans ni Eala makaraang makapagtala siya ng 2-0 abante sa pagbubukas ng set subali’t ang tunay na talento at lakas ni Gauff ay hindi pa napapanahon upang maulusan ng pambato ng Pilipinas kung saan muli itong dumiretso sa 6 na huling puntos sa kanilang laro.
“I was a bit better today. I could have served a little bit better, but I made it in when it mattered,” pahayag ni Gauff sa kanyang on-court interview.
“Alex is a tough competitor and even when I was up, I knew that she could come back at any given moment. I’ve seen her do it before.”
Nagparamdam din si Gauff ng kanyang paghanga sa mga fans at supporters ni Eala na patuloy ang pagtangkilik sa sports at sa kanilang idolo.
“I played this tournament for many years and to see the stadium full means a lot.”
“I’d like to thank Alex for bringing a new demographic to the sport. It’s great for the sport. Keep being enthusiastic and keep rooting for your player.”
“Whenever you guys were cheering for Alex, I just pretended it was my name,” nakangiting pahayag ni Coco. “If you can’t beat ’em, join ’em.”
Una rito, nakamit ni Jessica Pegula ang unang semis slot matapos ang mahigpit na laban nito sa isa pang de kalibreng tennis star na si Carla Tauson na kanyang pinagwagian, 6-3,2-6, 6-4 habang pinatalsik naman ng no. 2 seed na si Amanda Anisimova ang defending champion na si Mirra Andreeva, 2-6, 7-5, 7-6(4).
Habang isinusulat ang balitang ito ay kasalukuyan pa rin naglalaro sina A. Ruzic at Elina Svitolina para sa huling quarterfinal match at sinoman ang magwagi ay makakaharap para sa susunod na round ni Gauff.
