


NAGTALA ng isang malaking upset ang tambalan nina World No. 53 Alexandra Eala ng Pilipinas at World No. 35 Iva Jovic ng United States matapos pulbusin nila ang mas malakas na duo nina former World No. 1 at 7-time Grand Slam Champion Venus Williams at World No. 14 Elina Svitolina sa isang maaksyong doubles match sa ASB Classic 2026 na ginaganap sa Manuca Doctor Arena sa Auckland, New Zealand.
Ang 20 anyos na pinay tennis superstar na si Eala at ang 18-anyos na si Jovic ay walang takot na nakipagpalitan ng palo sa pagsisimula pa lamang ng unang set kung saan nalusutan nila ang ga-hiblang panalo sa 7-6 bago tuluyang pinadapa sina Wlliams at Svitolina sa ikalawang set , 6-1.
Dahil sa panalong ito nina Eala at Jovic ay pasok na ang kanilang tambalan sa quarterfinals ng torneo at ito ay isang magandang simula para sa kanila dahil mabibigat agad ang kanilang nakatunggali at naqlupig sa pagsisimula pa lamng ng kanilang kampanya.
“There was a great first set, and you get the momentum after that,” pahayag ng pinay tennis star na si Alex. “But it’s so easy to kind of crash, and I think we did a good job of keeping each other’s energy.”
Ang kanilang laro ay tumagal lamang ng isang oras at 29 na minuto.
Alinaman sa tambalan nina Asia Muhammad at Erin Routliff o Jessica Maleckova at Renata Zarazua ang kanilang makakatunggali sa quarterfinals match.
Si Eala ay nakatakda ring makipagtuos kay 2024 paris Olympic silver medalist Donna Vekic sa first round ng singles match sa Auckland.
