

ISA pang pambihirang panalo ang naitala ng Filipina tennis star na si Alexandra “Alex” Eala matapos na talunin ang nakatunggali niya na si Sorana Cirstea sa straight sets , 7-5, 6-4 sa Round of 16 upang makausad sa quarterfinals ng WTA 1000 Dubai Tennis Championships.
Bagama’t mahigpit ang naging laban sa first set, naging susi ng panalo niya sa yugtong ito ang napakaraming error na naitala ng world no. 32 na si Cirstea kung saan nagkamit ito ng 30 unforced errors kumpara sa 19 ni Eala.
Ang second set ay naging napakasikip para sa Romanian at si Eala ay parang gutom na tigreng nagbuhos ng 4-0 lead at mula sa 5-1 na agwat niya ay pinaragitan siya ng tatlong magkakasunod na puntos ni Cirstea upang muling makadikit sa 5-4 bago tuluyang yumukod sa katunggaling pinay, 6-4
“Every round is such a battle and so filled with tension,” pahayag ni Alex sa kanyang on-court interview. “So I’m really happy with how I performed, and I’m really happy to be able to share it with all of you.
“The key today was staying calm and trusting my shots. I think I was very solid in particular moments where I needed to be, (and) that reflected in my performance and in the score.”
“The waves of support have really made every single match all the more special,” wika pa ni Eala. “Salamat sa pagpuyat, mga kababayan. Uwi na tayo, tara.”
Isang mas matarik na misyon naman ang kakaharapin ni Eala sa quarterfinals kung saan makakaharap niya ang isa pang bigating American star at world no. 4 na si Coco Gauff na una nang nagwagi kay Elise Mertens sa kanilang third round match ,2-6, 7-6 (11-9), 6-3.
