
NALAGPASAN ni pinay tennis star Alexandra ” Alex ” Eala ang mabigat na kalaban sa quarterfinals ang Polish professional tennis player na si Magda Linette na nagbigay sa kanya ng isa sa dalawang semifinals berth sa pagpapatuloy ng mahigpit na kumpetisyon sa 2026 ASB Classic sa Manuka Doctor Auckland, New Zealand.
Winalis ni Eala ang dalawang set sa pamamagitan ng 6-3, 6-2 na panalo upang maikasa ang pakikipagtuos niya sa pambato ng China na si Wang Xin Yu na nagwagi kontra Francesca Jones matapos na ma-injured ang huli sa kanilang quarterfinal game.
Maagang nagparamdam ng kanyang agresibong laro ang 33-anyos na si Linette sa first set kung saan nagawa pa nitong makalamang sa 1-0 bago hinamig ni Eala ang huling 5 points upang maisara ang laban sa unang set 6-2.
Sa second set ay naging mahigpit pa rin ang pakikipagpalitan ng palo ni Linette sa pambato ng Pilipinas subali’t ang mabilis na reflexes ni Eala at ang pagiging determinado at pokus niya sa laban ang nagpahirap kay Linette kung saan nakapagkamada agad si eala ng apat na puntos na agwat 4-0 at bagama’t nakalapit pa si Linette sa 4-2 at 5-3 ay hindi na siya nakaabante pa sa dulo ng laro.
Ipagpapatuloy naman nina Eala at partner niya na si Iva Jovic ang kanilang kampanya sa doubles event kung saan makakalaban nila s semifinals ang tambalan nina Zhaoxuan Yang at Yifan Xu mamaya.
