
TULAD ng inaasahan, dinomina ng pinay tennis star na si Alexandra ” Alex ” Eala ang kanyang unang nakatunggali na si Alina Charaeva, 6-1,6-2 sa loob lamang ng 24 na minuto sa first set sa pagsisimula ng kanyang mainit na kampanya sa kauna-unahang WTA 125 Philippine Women’s Open sa Rizal Memorial Tennis Center.
Maagang ipinaramdam ni Eala ang kanyang dominasyon sa pagsisimula pa lamang ng unang set kung saan ay nagawa niyang kontrolin sa isang puntos na produksyon lamang si Charaeva at magaang na tinapos ang set.
Bahagyang nagparamdam naman ng kanyang bilis at kaakaibang galaw si Charaeva sa pagbubukas ng second set at agad na kinuha ang unang dalawang puntos, 2-0 pabor sa kanya subali’t iba ang bangis ni Eala at wala siyang planong matalo sa laban dahil ang huling anim na puntos sa dulo ng kanilang hatawan ay kinuha niya at sa kabuuan ay tinapos niya ang laban sa loob ng isang oras at labing-anim na minuto.
Sa gitna ng pagbubunyi ng mga pinoy na humugos sa RMTC upang mapanood ang tennis phenom na si Eala ay masayang nagpasalamat si Alex sa lahat.
“Gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat na nandito kayo,” ito ang masayang pahayag ni Eala sa inter4view pagkatapos ng kanyang laro. “Mahirap ibahagi ‘yun nararamdaman ko ngayon, kasi matagal ko na itong pinapangarap. Maraming salamat.”
Ang maagang paglisan ni Eala sa Australian Open kung saan nabigo siya sa kanyang unang laban doon kontra sa Us tennis star na si Alycia Parks ay nagbigay ng pagkakataon sa kanya upang makapaglaro sa kauna-unahang WTA 125 sa Manila at alam niyang mas matindi ang pressure para sa kanya sa paglalaro niya rito kumpara sa ibang bansa dahil kung mataas ang expectation sa kanya ng kanyang mga fans at kababayan na pumipila pa para lamang siya mapanood ay tiyak na dadagsain ng mga pinoy ang Rizal Memorial Tennis Center upang mapanood siya ng personal gaya ng nangyari sa kanyang unang laro.
“I think it’s such a full circle moment to see how far tennis has come in the Philippines,” ani Alex sa interview. “I think playing matches and seeing my two worlds collide kumbaga, being in Manila and the WTA Tour, and seeing it come to life is so full circle and so emotional for me because it’s allowed me to reflect on how far I’ve come.”It really makes me proud of myself.”
“”It really makes me proud of myself. It’s nothing compared to the pressures that regular everyday Filipinos have to face providing for their families,” wika pa niya. “It’s nothing compared to what my parents have sacrificed to bring me here.”
