

ANG pinay tennis star na si Alexandra “Alex” Eala ay naglaro na parang wala nang bukas at nagawa ang isang panalong malapit na sa himala na ang pagpuntos ay parang pakikipaghagaran sa kamatayan, naitala niya ang isa sa pinakamalaking panalo sa kanyang career matapos agawan ng panalo ang higit na paborito na world no. 8 at dating kampeon sa torneo na si Italian Jasmine Paolini,6-1, 7-6 (7-5) sa pagpapatuloy ng WTA1000 Dubai Tennis Championships.
Ang first set ay isang nakagugulat na pagpapamalas ng kakaibang bangis at determinasyon para kay Eala kung saan pagkatapos ang pagtatabla sa 1-1, ay nakipagsabayan ito sa 6th seed na si Paolini at nagawang makaalagwa at bumandera sa 6-1 panalo na nagpakunot sa noo ng inaalat na italyana.
Si Alex na hindi nakasanayan na nakikitang pumupuntos mula sa kanyang serve ay pumalo ng 67% ng kanyang first serves at nagwagi ng kahanga-hangang 86% sa naturang mga puntos.
Ngunit ang tunay na bakbakan ay ang mainit na palitan ng puntos sa makapigil hiningang second set na nagpamalas ng tunay na kalidad ng laro nina Eala at Paolini.
Matapos na makalamang sa 3-1 sa pagsisimula ng set, nagawang makatabla ni Paolini kay Eala sa 3-3 bago muling nalubog sa 5-3 at nauwi sa tiebreak matapos na maagaw ni Paolini ang kalamangan sa 6-5 naman ni Eala, 6-6.
At ang nakabibinging sigawan sa tiebreak at maingay na palakpakan sa pagpapalitan ng mahihirap na puntos ng dalawang mahusay na tennis stars ay nagwakas sa 7-5, pabor kay Alex na nagpahugong sa buong paligid at tumapos sa isang oras at 40 minutong bangungot ni Paolini.
“All the emotions are coming because the tension was so high, especially during that second set,” masayang pahayag ni Eala sa kanyang on-court interview. “So I’m really happy to have gotten through. (Paolini) is a great opponent, obviously, being Top 10 and a former champion here, so to be able to compete with her at this level is a great achievement for me.
“In the tiebreak, I was trying everything to keep myself in check. At the change of ends, I was thinking, you know, this stadium is full of Filipinos.Tapos sabi ko ilan kaya sa inyo ang nagdadasal para sa ‘kin? I thought, how many are probably praying for me to win so I really gave it everything I’ve got.”
“I tried to remind myself that I was doing well,” wika ni Alex sa post-match press conference. “I have to watch it again, but I don’t think I did anything disastrous during those moments, and she earned those points.
“Every time the opportunity arose, I tried my best to be brave and go for my ball.”

