






sang pasabog na pre-debut performance ang inihandog ng bagong P-pop girl group na Eleven11 sa Barako Festival 2025 sa Lipa City, Batangas noong Pebrero 15. Ang anim na miyembro ng grupo—Swaggy, Jade, Ivy, CJ, Barbie, at Audrey—ay hindi lang basta nagpakitang-gilas kundi nag-iwan din ng matinding impresyon sa mahigit 400,000 kataong dumagsa sa festival.
Matatandaang target lang ng grupo na maabot ang 300,000 audience, pero lampas pa rito ang kanilang na-achieve, lalo na kung ikukumpara sa 200,000 attendees noong nakaraang taon. Dahil dito, naging mas matagumpay ang Barako Festival 2025, na sinusuportahan hindi lang ng mga Lipeño kundi ng buong Batangueño community.
Ang Eleven-11 ay isang P-pop girl group na may puso at adbokasiya. Hindi lang sila puro ganda at porma. Nag-uumapaw pa sa talento ang anim na ito.
Bago pa man sumabak sa kanilang pre-debut performance, ipinakilala na sa media ang Eleven11 sa opening ceremony ng Barako Festival 2025 noong Pebrero 13. Ang grupo ay nabuo mula sa dating noontime show na ‘Tahanang Pinakamasaya’ at ngayon ay nasa ilalim na ng management ng magaling at mabait na CEO na si Bryan Diamante ng House of Mentorque.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Ivy ang kakaibang formula ng Eleven11 pagdating sa kanilang grupo:
“We are embracing our authenticity. May kanya-kanya po kaming strength which is a good thing,” ani niya.
Dagdag pa niya, “Others are so good in singing, others are so good in dancing, others are so good in rapping. I think this is what makes us unique as a group.”
Sinegundahan naman ito ni CJ, na sinabing maging ang styling nila ay bongga at may sariling tatak.
Hindi kumpetisyon, kundi misyon ang hangad at layunin ng pinakabagong girl group na ito.
Sa tanong kung nakikita ba nilang kakumpetensya ang ibang P-pop girl groups tulad ng BINI, mariing sagot ni CJ:
“Actually, we’re not here to compete po. We’re here for P-pop and we’re just here for our individuality.”
Sinang-ayunan naman ito ni Ivy, na binigyang-diin na ang kanilang pinakamalaking goal ay ang women empowerment.
Sa kanilang performance sa Barako Festival 2025, pinatunayan ng Eleven11 na hindi lang sila basta bagong girl group—sila ay puwersa na dapat abangan sa P-pop scene.
Ano nga ba ang mga susunod pang ganap para sa Eleven11?
Bagamat wala pang ibinabahaging detalye tungkol sa kanilang susunod na mga proyekto, tiniyak ng Eleven11 na may mga pasabog silang ihahayag ngayong taon.
Dahil sa mainit na suporta ng kanilang fans at sa record-breaking audience ng kanilang pre-debut performance, mukhang tuloy-tuloy na ang pag-angat ng Eleven11 bilang isa sa mga susunod na bigatin sa P-pop industry.
Abangan natin kung ano ang susunod nilang hakbang—dahil kung ganito na kalakas ang kanilang simula, tiyak na mas bongga, pasabog, at nakakaloka pa ang kanilang hinaharap!
‘Yun na!