Na-inlove. Nasaktan. Bumangon.
Ngayon may bagong career na.
Ipinakilala ng Ampong Dental Clinic ang pinakabagong ambassadress nila na si Jam Villanueva, ang babae behind the controversial issue between the Maris Racal and Anthony Jennings brouhaha.
Hindi maiiwasang matanong si Jam about the past issue since ngayon lang sya humarap sa press.
Hindi umiwas si Jam na napakaganda in person especially pag nakangiti sya. Tanong sa kanya; Kung napatawad na nya ang dalawa, meaning sina Maris at Anthony na nanakit sa kanya?
“Hindi pa pwedeng magpatawad. Hindi gano’n kadali. I’m not forgetting the past that easy. For now I need to focus on myself. Kung paano ko itatayo ang sarili ko, ‘yun muna. There’s no time sa mga intriga at hindi naman porke may problema you won’t smile na,” sey ni Jam.
May communication ka pa ba sa dalawa?
“Wala akong koneksyon sa kanila. None at all . Hindi naman kailangan eh. I’m just focused sa sarili ko, for myself and my personal growth,” patuloy niya.
Ayaw mag-artista ni Jam.
“Feeling ko, I’m not for that. Open ako sa mga ganitong opportunity.”
Kung iba yun, iga-grab na nya na maging artista since maraming interesado sa kanya na maging artista.
“Hindi po talaga eh. Wala akong alam sa pag-arte. Saka maintriga ang showbiz, hindi ko kaya. Dito muna tayo sa pag-endorse.”
Sa pagsisimula niya sa isang bagong kabanata sa buhay, kinakatawan umano ni Jam Villanueva ang katatagan — na naaayon sa ‘direction’ ng Ampong Dental Essentials .
Sabi ni Direk Gayle Oblea, marami silang pinagpilian pero si Jam ang naiwan.
“She possesses the quality of an endorser for the product. She has that smile na hinahanap namin, genuine and behind that smile, maraming story,” dagdag ng award-winning director na part din ng Ampong Dental Clinic as Marketing Director.
Magiging abala si Jam sa promotions ng Ampong Dental Essentials at masaya siya dahil gusto nya ang mga products at naniniwala siya dito.
* * * * * * *
(This blind item can be on a separate uploading. Thanks much, Ardie. Have a blessed Sunday )
Nagmurahan, nagtalakan at nagsumbatan daw si aktor at ang kanyang manager kamakailan. Aburido si aktor nowadays at walang ginagawa kaya naisipan nitong puntahan ang manager nya at kausapin.
Tinanong daw nito ang manager kung may nakalaang trabaho sa kanya. Halos lahat daw ng mga artista sa network na kinabibilangan nito ay may mga trabaho pero siya ay nganga. Ano raw ba ang plano ni manager sa kanya.
Wala raw maisagot si manager kung hindi maghintay lang . Nagpanting daw si aktor at sumigaw ito.
“Yan lang ang sasabihin mo? Maghintay? Eh halos more than a year na akong walang trabaho, ah! I’mbes na sagutin mo ako ng ganyan, kumilos ka! Hindi yang nasa bahay ka lang , nakahilata sa kama mo at naghihintay ng grasya! Anong klaseng manager ka?!” sey daw diumano ni aktor.
“Buti pa maghiwalay na lang tayo kung ganyan ka! Ayoko na! Maghahanap ako ng legit na talent manager na may magagawa at mabibigyan ako ng trabaho!” dagdag pa raw na sey nito.
Sumagot naman daw si manager ng; “Kung ayaw mo na, ayoko na rin!”
Sabehhhh!
Ayan after nun hiwalay na nga ang dalawa. Sa ngayon ay freelance muna si aktor habang naghahanap pa ng bagong manager.
Ang clue?
Naku, kontroversial si aktor dahil sa Isang kontrobersyal na pangyayari sa lovelife niya.
Yun na!!!