Merry Christmas and a happy new year po sa lahat ng mga kababayan nating pinoy
Ilang araw na lamang ay mamamaalam na ang 2024 at sasalubungin na natin ang bagong 2025.
Mabuti naman at matatapos na at lalayas na ang hinayupak na 2024 na yan…ani mga pinoy na buong taong nagdusa sa napakahirap at dusang buhay na tinampukan ng parang kwitis na patuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin, mga dugasan, imbestigasyon na walang katuturan at nakakaumay na bangayan ng mga lider ng ating bansa.
Hindi lang korapsyon at pila ng maraming bagyo ang matindi ngayong 2024, ito ‘yung mapapailing ka talaga at mapapatingala sa langit habang may hawak kang one thousand peso bill at itatanong mo sa sarili mo na ano pa kaya ang kayang bilhin nito?
Ito ay habang ang ating mga lider ay buong taon na naggigirian sa usaping pulitikal.
Kanya-kanyang upakan, kanya-kanyang banatan.
Inuuna ang pag-iimbestiga kuno in aid of legislation upang makagawa ng batas tungkol sa isyung kanilang binubulatlat.
Iniimbestigahan ang diumano’y korapsyon sa snasabing inukitan na confidential fund ng ating bise presidente.
Ah baka gagawa ng batas para ilagay sa ating konstitusyon na simula sa 2028 ay indi na tayo maghahahalal ng bise presidente…presidente na lang para wala nang nakakaaway ang pangulo.
Aba’y maganda nga kung ‘yan ang kanilang iniisip.
Para kung sakali at sablay ang takbo ng pamamahala ay iisa na lang ang mumurahin ng taong bayan.
Tsk tsk Noon si Cory at si Doy, naging Erap at Gloria, tapos Pinoy at Binay…naging Duterte vs Leni Robredo.
Yan, umay na umay na tayo niyan…naisip natin na dapat sa susunod na eleksyon pumili nga tayo noong mukhang mabait na Pangulo, yung maaring mag-ahon sa ating bansa mula sa kinalubluban natin na pandemya tapos wag na nating iboto yun kalaban niya na bise presidente.
Doon na lang tayo sa isang partido para maging maayos at payapa ang ating bansa.
Kasi nga magkakampi at di yan tiyak magtitirahan.
At yun ang UNITEAM!
Pero anyare?
Akala natin ang problemang pulitikal sa Pinas na laging magkaibang partido ang nananalong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa ang dahilan kung bakit di tayo umuunlad kaya iniisip natin na iboto ng solido ang pangulo at pangalawang pangulo ng bansa para wala nang bangayan gaya nung panahon nina pangulong Duterte at bise presidente Leni.
Kasi grabeng away pulitikal talaga rin sa buong anim na taon ng dalawang pinuno.
Pero mukhang nadale tayo…mas matindi pala talaga ang kasabihan na mas masakit na bumagsak kapag kaibigan o kakampi mo ang bumugbog sa iyo.
Ayun, noong una ay mild lang awayan pero habang tumatagal ay lumala na ng lumalala na nauwi sa paghihiwalay at tunay na pagtitirahan.
Parang hindi silang dalawa ang direktang nag-aaway pero parang ganun na rin talaga.
Hindi na tayo babanat ng kahit na sinong pulitiko dahil sa kapal ng mukha ng mga ‘yan di rin naman tinatablan.
Kung sino man ‘yung mga buwayang pulitiko at mga nakaupo sa puwesto sa pamahalaan na grabe sa kakapalan ng mukha at bulgaran ang ginagawang pagnanakaw sa naghihingalo ng kaban ng ating bayan ang para sa inyo ay isang PUT….INA…N..!
Imbes na kapakanan ng mga bumoto sa inyo ang inaatupag ninyo ay puro pag-uubos ng pondo ng bayan sa mga pag-iimbestiga ang ginagawa ninyo!
Hindi kayo mag-isip kung paano gagaan ang buhay ng mga kababayan ninyo!
Ang pinag-uubusan nyo ng panahon ay kung paano kayo tatagal sa puwesto para lalo pa kayong makaipon ng mga ninanakaw ninyo!
Alam na rin naman ng taong bayan kung sinu-sino ang mga ‘yan!
Gago na lang tayo pag ibinoto pa natin ang mga punyetang yan.
Malapit na ang 2025 elections.
Nagkalat na ang mga mukha sa tarpaulin ng mga pulitika mula lokal hanggang nasyonal.
Baka magpaloko na naman tayo!
Ngayon alam ninyo na siguro kung saan nanggagaling si Manang Imee Marcos tsk tsk ang kailangan ng bayan ay mga pulitikong may malasakit sa kapwa at s kanyang bayan…eh ang naiboboto yata natin ay sa bulsa nila may malasakit.
Halos mamalat na si Sen. Imee sa kasisigaw para kayo ay magising at bahagyang maug-og at maibaligtad ang mga kamaliang nagawa sa mga nakalipas na araw pero mukhang walang mangyayari
Hindi kailangan ng mga pinoy ang ayuda…kahit bigyan nyo ng bigyan ng ayuda ay hindi makakaahon sa hirap ang mga yan dahil sa napakamahal na presyo ng mga pangangailangan.
Ang kailangan ay mababang halaga ng mga bayarin sa may kinalaman sa edukasyon, kalusugan at pang-araw-araw na pamumuhay.
Alam nyo naman ‘yan eh…lagi nga ninyong ipinapangako pag eleksyon ‘yan di ba.
Sino kaya sa ating mga mambabatas ang makakagawa ng batas na bitay ang hatol sa mga pulitiko na mapapatunayang nagnakaw sa kaban ng bayan?
Nakuuuu…wala siguro dahil kokonti tiyak ang matitirang pulitiko sa bansang ito!
Maligayang bagong taon!